Prisoners of Our Land

[Poetry]
by Omira S. Abdulbasit

 

Loud fires freed back and forth
His blood drizzles onto the floor
His wife weeps for his valour
As she knows he will be with his Lord.

Israelis murder like in a holocaust
Heinously just look as Palestinians falling off
They do not bother how it gonna cost
Terrorism as it should be called.

Oppressors harbor weapons to commit criminality
With lethal horror they buried humanity
Unashamedly brutally claim land without veracity
Aggrieve oppressed but Muslims stand with unity.

The world sleeps whilst Palestine tainted with red
They shut down all the eyes that see and read
And all the ears that listen was deafened and beheld
Mouth that speaks was silenced before it could lead.

I call upon the community, where is your honor?
We are silenced whilst their eyes are filled with horror
Your heart that bleeds wont suffice if you let them just in the corner
You should not be just an author but a warrior.

Media call it a “clash” to euphemize what they meant “attack”
They are misleading people by creating an abstract
But you fail as vloggers, you can’t make a prank
Because we Muslims you cannot hack, you know it for a fact.

Defeat won’t be harken by our severed limb pains
For surely you may blast our holy Al-Aqsah into flames
In where our prophets and martyrs stood for decades
But you can never shake the faith running to our veins.

Oh brothers make those shattered stone as your weapon-types
And sisters make dhikr and takbeer as your lullabies
As for you, my kids, worry not, just close your eyes.
One day you will all wake up in a place called paradise.

 

 


 

 

Pananalamin sa Bukas

[Poetry]
ni Omira S. Abdulbasit

 

Ito ang henerasyon ng mga nag-aalburutong tula at kwentong tila nagpapabasa. Ang dagat na kasing asul ng kalangitan ay unti unting nangingitim. Ang gubat na maginhawang tinitirhan ng mga hayop ay nagsisilagasan. Ang mga punong nagdulot ng halaga sa akin at sayo ay isa-isang bumabagsak. Isa, dalawa, tatlo. Likhain ng ating Diyos ay para bang nawawalang bula na patuloy na tinititik at binabaon na lamang sa kasaysayan ng sinauna. Ang ating kayamanan ay tila kumukupas na. Isang nakakatakot na panaginip.

Patuloy ang pagbabagong-anyo ng mundo mula sa tradisyonal nitong kalagayan tungo sa pag-uusbong ng kinakamit nating karunungan. Ngunit dumarating na ang panahong nagkukulang na ang kapanatagan dulot ng sining at syensya dahil sa maling pamamaraan. May patutunguhan ba ang mga kapabayaan natin? Ang patuloy na pagbasag natin sa planetang minsan nang minahal at inalagaan ng ating mga ninuno?

Patuloy ang paninikil at pagsasamantalang nararanasan ng ating kapaligiran ngunit tila iilan lamang ang nakakapansin. Nakapang-gagalaiti na sa kabila ng matinding unos na dinaranas natin sa buhay, nakakasabay pa nito ang problemang dinudulot ng kabulastugang pinaggagagawa ng mga tao sa mga bagay na minsan nang pinahalagahan natin. Isang malaking krimen ng mamamayan ang ipagsawalang bahala ang mga bagay na madla ang nakikinabang. Sa paglaganap ng makabagong kalamidad, puro reklamo ang naririnig ngunit walang solusyon na sinusuhestyo o ginagawa. Nakakalungkot isipin na dinaig pa natin ang asong tahol ng tahol ngunit hindi naman naghahanap ng paraan upang makakagat.

Nasaan ang kabataan? Ang pagtalakay sa pangangailangan ng ating kapaligiran ay siyang lubos na kailangan. Kung hindi tayo, sino ang gagalaw upang isaalang-ala ang propesiya ng ating Pambansang Bayani na ang kabataan ang pag-asa ng bayan? Ano na kaya ang lagay ng mundong maabutan ng mga apo-apuhan natin? Makikita pa kaya nila ang asul at berdeng kulay ng kapaligiran? Kailan ba darating ang kabataang magtataguyod sa ikabubuti ng sanlibutan? Kung hindi natin sisimulan ngayon, kailan? Kung hindi tayo, sino?

Bukas, ating matatanaw ang mundo na wala nang boses na maihahatid. Marami ang ikukumpisal ng ating inang kapaligiran kung tayo ay makikinig lamang. Ang kanyang dalangin at pakiusap ay tila natatabunan ng kamangmangan. Hindi man natin nararamdaman sa ngayon, siya ay bagkus nagdurusa sa kanyang sakit. Datapwat, bawat kaluluwa sa mundong ibabaw ay tunay na may taglay na kaalaman kung paano ito gagamutin. Ngunit tayo na mismo ang nagmamaang-maangan at nagbubulag-bulagan. Kung kailan matatapos na ang kanta ng mga ibon, kung kailan ang huling laylay ng dagat ay matutuyo na, kung kailan ang huling isda ay mahuhuli na, kung kelan ang huling dahon ay malalaglag na, at kung kailan ang huling kawayan ay matutumba na, kaya mo pa kaya itong tawaging buhay?

 

 


 

Omira S. Abdulbasit Omira S. Abdulbasit is currently a senior clerk (fourth year) medical student at Liceo de Cagayan University. She is a professional civil service eligible and a licensed nurse. She is both a passionate advocate and a volunteer since undergrad and is affiliated with different organizations in line with academic or socio-civic associations. She excels both in public speaking and journalism, being the previous Editor-In-Chief of MSU-CHS The Lamp Publication and graduated with “Writer of the Year” and “Best Thesis Awardee” as part of her numerous graduation awards. She won multiple competitions in the fields of writing and public speaking. She also presented her paper focusing on mental health and got it funded and published internationally.