{"id":2486,"date":"2023-11-14T19:16:27","date_gmt":"2023-11-14T11:16:27","guid":{"rendered":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/?p=2486"},"modified":"2025-04-21T20:38:26","modified_gmt":"2025-04-21T12:38:26","slug":"dote-dowry","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/dote-dowry\/","title":{"rendered":"Dote (Dowry)"},"content":{"rendered":"<p><em>Norhan B. Kudarat<\/em><\/p>\n<p>Maagang gumising si Fahad upang maligo dahil sa alas siyete ang kanyang pasok sa mataas na paaralan ng Dimataling sa Zamboanga del Sur. Makikita sa kanyang may biloy na mga pisngi ang saya at ngiting parang abot hanggang langit. Dali-dali siyang naligo na tila limang minuto lang at parang kidlat na nagbihis sa napaglumaang uniporme ng kanyang kuya dahil magkasingtangkad lang sila nito. Hindi na siya nag-almusal dahil alam niyang wala na naman silang ulam. Sabik siyang pumasok dahil makikita na naman niya ang <em>crush<\/em> ng <em>campus<\/em> na si Jameela. Si Jameela ay kaklase ni Fahad. Siya ang binansagang \u201c<em>Helen<\/em>\u201d ng kanilang <em>campus<\/em> at maging sa kanilang lugar dahil sa taglay nitong ganda na halos lahat ng mga kalalalakihan ay mapapatunganga at mabibighani. Matagal ng may lihim na pagtingin si Fahad kay Jameela ngunit hindi niya ito maligawan dahil sa haram sa isang Muslim ang magkaroon ng nobya o nobyo. Sa Islam kasi ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagsasama ng dalawang magkaiba ang kasarian dahil maaari silang magkasala sa Allah o makagawa ng <em>Zina <\/em>o ang pagtatalik ng babae at lalaki na hindi pa kasal at dahil na rin sa payo ng ina nitong isang <em>Ustaja<\/em> o guro sa isang <em>Arabic<\/em> <em>School<\/em> na hindi naman gaano kalaki ang sinasahod.<\/p>\n<p>Nang dumating siya sa paaralan ay dahan-dahang pumasok sa silid-aralan si Fahad na parang naka-<em>slow motion<\/em> sa isang pelikula habang nakatingin sa upuan ni Jameela na nakapwesto sa harapan na malapit sa pisara. Iniisip niya na kung nasa loob si Jameela ay kung paano niya ito kakausapin.<\/p>\n<p>Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating ang isang puti at bagong modelong \u201c<em>furtuner<\/em>\u201d na sasakyan. Huminto ito sa tapat ng kanilang paaralan. Pumarada ito malapit sa tapat ng kanilang klasrum. Sakay nito si Jameela. Unti-unting siyang bumaba sa sasakyan na para bang isang prinsesa na halos lahat ng mga mag-aaral ay nakatingin sa bawat hakbang niya at tila inihahatid papunta sa loob ng silid-aralan.<\/p>\n<p>Bigla ding dumating ang kanilang tagapayo na masayang inanunsiyo na magkakaroon sila ng eleksyon ng mga opisyales ng kanilang <em>section<\/em>. Hanggang umabot sa puntong <em>Muse<\/em> at <em>Prince Charming<\/em> nalang ang pinagpipilian ng mga mag-aaral.<\/p>\n<p>\u201cNgayon naman, mamimili na tayo ng ating magiging <em>Muse<\/em>,\u201d masayang sabi ng kanilang guro.<\/p>\n<p>\u201c<em>Ma\u2019am, I nominate<\/em> Jameela Mangundato <em>as our Muse<\/em>!\u201d sabi ng kaklase nitong sabik na sabik na maging <em>Muse<\/em> si Jameela.<\/p>\n<p>\u201cMa\u2019am, <em>I close the nomination<\/em>!\u201d sigaw naman ng katabi nito sabay tili ng malakas habang hawak sa kanyang dibdib.<\/p>\n<p>\u201c<em>I second the motion<\/em> ma\u2019am,\u201d dagdag ng isa pang kaklase nito na tila kinikilig ng sobra habang ginugulo naman ang sarili nitong buhok.<\/p>\n<p>At naging <em>Muse<\/em> nila si Jameela sa kanilang seksiyon.<\/p>\n<p>\u201c<em>Okay class<\/em>! Ngayon naman pipili tayo kung sino ang ating magiging <em>Prince Charming<\/em>,\u201d sabi ng guro na tila nakatingin sa kaakit-akit na mga mata Fahad.<\/p>\n<p>\u201cMa\u2019am! Wala namang ibang gwapo dito kundi si Fahad lang!\u201d sabi ng babaeng kaklase nila na kinikilig din sa pagsambit sa pangalan ni Fahad.<\/p>\n<p>\u201cMa\u2019am, i-<em>appoint<\/em> nalang natin si Fahad! Bagay kasi sila ni Jameela!\u201d sigaw ng isa pang kaklase nila na kunwari\u2019y hinimatay sa kilig.<\/p>\n<p>Dahil doon ay napagdesisyunan ng klase na si Fahad ang magiging <em>Prince Charming<\/em> ng kanilang seksiyon. Sumang-ayon naman dito ang kanilang guro na tila kinilig din ng bahagya.<\/p>\n<p>Sa mga sumunod na araw, naging magkaibigan sina Fahad at Jameela. Tinuring silang <em>love team<\/em> ng kanilang <em>campus<\/em> at kalaunan ay binansagan ng pangalang <em>FaJam <\/em>na kuha sa inisyal na pangalan ng dalawa- <em>Fa<\/em>had at <em>Jam<\/em>eela. Araw-araw na masayang pumapasok sa paaralan si Fahad dahil sa ispirado itong makita si Jameela sa tuwina. Pati sa panaginip nito ay nakikita niya si Jameela at palaging kausap.<\/p>\n<p>Dumating ang ilang buwan ay nagkamabutian sina Fahad at Jameela. Palagi na ring hinahanap ni Jameela si Fahad kapag hindi niya ito nakikita sa <em>campus<\/em>. Hanggang sa naging magkasintahan sila kahit bawal sa Islam. Araw-araw silang nag-uusap sa mga plano nila sa buhay pagkatapos ng hayskul. Hanggang humantong sa sumpaan nilang hindi iiwan ang isa\u2019t-isa kahit anong mangyari kahit langit at lupa man ang kanilang pagitan.<\/p>\n<p>\u201c<em>Kalimo<\/em>, mas mainam pang hingin mo na ang kamay ko kay Abi ko,\u201d seryosong sambit ni Jameela habang nakatingin sa mapupungay na mata ni Fahad.<\/p>\n<p>\u201cOo <em>kalimo<\/em> ko, In Sha Allah, mamamanhikan ako sa inyo at hihingin ko ang iyong kamay sa Abi mo,\u201d sagot ni Fahad sabay hagod ng marahan sa maputi at malambot na kamay ni Jameela.<\/p>\n<p>Isang araw, pumunta si Fahad kasama ang kanyang nanay sa bahay nila Jameela upang magsagawa ng <em>pangengedong<\/em>. Sa kultura ng mga Maguindanaon, ang proseso patungo sa isang kasal ay nagsisimula sa <em>pangengedong<\/em>. Sa matalinhaga at literal na pagsasalin nito, ang lumang kaugaliang ito ay nangangahulugang &#8220;pagbulong,&#8221; kung saan ang &#8220;kamaman&#8221; o ang pamilya ng inaasahang lalaking ikakasal ay nagtatanong kung may makukuha ba ang inaasahang ikakasal sa pamamagitan ng kanyang pamilya o &#8220;kababayan.&#8221; Ang mga unang pag-uusap ay may kinalaman sa &#8220;bantingan&#8221; (katayuan ng karangalan) ng <em>prospect bride<\/em> at &#8220;maratabat&#8221; (<em>royal lineage<\/em>) ng kanyang pamilya o wala sa ilang mga kaso. Ayon sa kaugalian, ito ay ang unang pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang pamilya na hahantong sa isang &#8220;Salangguni&#8221; o tamang pakikipag-ugnayan.<\/p>\n<p>\u201cAssalamu alaykom kagi Abdullah,\u201d kinakabahang bati ng nanay ni Fahad sa tatay ni Jameela na medyo namumula ang mukha sa hiya.<\/p>\n<p>\u201cAlaykumus Salam naman sa iyo,\u201d sagot ni Datu Abdullah na may kaunting pagtataka sa mukha kung bakit sila nandoon.<\/p>\n<p>\u201cAh, Datu, hindi na po kami magpapaligoy-ligoy pa. Gusto po sana ng anak ko na hingin ang kamay ng anak niyo na si Jameela. Kaya po kami narito upang itanong kung wala po bang ibang nagkakagustong mamanhikan sa anak ninyo at kung magkano po ba ang magiging dote ng anak ninyo?\u201d nauutal na paliwanag ni <em>Ustaja<\/em> Mariam kay Datu Abdullah.<\/p>\n<p>\u201cAlam mo <em>Ustaja<\/em>, kahit sino mang lalaking gustong mapangasawa ang aking anak ay hindi ko pipigilan basta lang kung kaya niyang buhayin ang anak ko,\u201d mataas na boses na sabi ni Datu Abdullah.<\/p>\n<p>\u201cKung gayon po, mga anong halaga po kaya ang inyong hinihinging dote sa anak niyo na si Jameela?\u201d tanong ni <em>Ustaja<\/em> Mariam na may kaunting pangamba habang nakatingin kay Fahad.<\/p>\n<p>\u201cKailangan niyong maghanda ng limang daang libong piso, isang ektaryang lupa, at isang magarang sasakyan!\u201d pakutyang sagot ni Datu Abdulllah na makikitang seryoso at mukhang hindi na magbabago ang desisyon.<\/p>\n<p>Natameme si <em>Ustaja<\/em> Mariam sa laki ng hinihingi ni Datu Abdullah. Napalunok naman si Fahad at biglang namutla ang kanyang makinis na mukha. Pagkatapos ng <em>pangengedong <\/em>ay umuwi na parang walang pag-asa ang mag-ina at doon sa kanilang bahay nagpatuloy na mag-usap.<\/p>\n<p>\u201cKung buhay lang sana ang iyong ama ngayon ay baka may makatulong pa sa atin sa paghahanap ng kalahating milyon na iyan anak,\u201d umiiyak na sabi ni <em>Ustaja<\/em> kay Fahad na sa malayo nakatanaw habang dinadama ang lungkot nang maalala kung paano nasawi ang asawa sa bakbakan sa Mamasapano.<\/p>\n<p>\u201cOo nga ina ko, maaaring baka sana may mga kamag-anak tayo na pweding tumulong sa atin dito,\u201d nanghihinayang na sagot ni Fahad habang nakatingin sa labas ng bintana nilang yari sa lumang kawayan.<\/p>\n<p>Dahil sa laki ng hinihingi ng tatay ni Jameela na dote o bigay-kaya (<em>Mahr<\/em> sa <em>Arabic<\/em>) ay naisip ni Fahad na huminto sa pag-aaral at mag-<em>abroad<\/em>. Ang <em>mahr <\/em>ay isang kontrata na pinapasok ng ilang Muslim sa kasal. Sa batas ng Islam, ito ay isang regalo o kontribusyon na ginawa ng lalaki sa kanyang magiging asawa, para sa kanyang eksklusibong ari-arian, bilang tanda ng paggalang sa nobya, at bilang pagkilala sa kanyang kasarinlan. Dahil dito, pinayagan naman siya ng kanyang ina at ng kasintahang si Jameela na kitain ito at makaipon para sa kanilang kinabukasan. Nag-usap naman nang masinsinan ang magkasintahan hinggil sa plano ni Fahad na mangibang bansa.<\/p>\n<p>\u201cKung ang kapalit na makuha ang kamay mo <em>kalimo<\/em> ko ay ang mangibang bansa ay gagawin ko. Lahat gagawin ko kahit madurog at mawasak ang puso ko na mapalayo sa\u2019yo,\u201d sambit ni Fahad na unti-unting pumatak ang luha sa mapungay nitong mga mata.<\/p>\n<p>\u201c<em>Astagfirrullah<\/em> <em>kalimo<\/em> ko! hindi ko kayang makita kang malungkot. Itanan mo na lang ako <em>kalimo<\/em> ko,\u201d nagmamakaawang sagot ni Jameela na wari\u2019y ibibigay lahat makatuluyan lang ang binata.<\/p>\n<p>Kahit pinipilit siya ni Jameela na itanan siya nito ay hindi ito pumayag sapagkat nais niyang hingin ang kamay nito sa tatay niya nang maayos at naaayon sa Islam. Kalaunan ay pumayag din ang <em>kalimo<\/em> o mahal niya na si Jameela na mangibang bansa ito para makaipon ng sapat na dote para sa kanya.<\/p>\n<p>Nagtrabaho si Fahad sa Doha, Qatar bilang isang waiter. Kahit wala itong karanasan sa naturang trabaho ay agad itong natanggap dahil sa angking gwapo, tikas, kinis ng kutis at ibang katangian na parang isang koreanong artista na tinitilian ng mga tagahanga nito. Ginawa niyang araw ang gabi upang makalikom ng sapat na salapi para kay Jameela. Hindi na niya inisip ang sarili. Kahit may lagnat ito ay pumapasok pa rin ito sa hotel na kanyang pinagtatrabahuan. Palagi siyang nag-o<em>overtime<\/em> sa trabaho. Nagsa-<em>sideline<\/em> din siyang magbenta ng kakanin dahil noong nasa Pilipinas pa ay katulong siya ng kanyang nanay sa pagbebenta ng kakanin at kahit noong nasa elementarya pa ito.<\/p>\n<p>Dahil sa angkin nitong kagwapohan, hindi maiwasan na pati mga lalaking arabo o ibang lahi ay napapalingon kapag nakakasalubong ito. Minsan din ay may kusang nagbibigay sa kanya ng pera, <em>cellphone<\/em>, at alahas pero hindi niya ito tinatanggap dahil ayaw niya ng mga bagay na hindi niya pinaghihirapan. Kahit abala siya sa trabaho ay hindi pa rin niya nalilimutang magsimba ng limang beses sa isang araw (utos sa Islam) at kahit pagod pa ito galing sa trabaho. Nagtrabaho siya nang mahusay at nag-ipon nang nag-ipon.<\/p>\n<p>Makalipas ang limang taon, natapos niya ang kanyang kontrata sa Qatar at nakaipon na ng mahigit limang daan libong piso. Masaya siya sapagkat makakauwi na siya sa Pilipinas at maibibigay na ang dote na hiningi ng ama ni Jameela. Lumipad siya pauwi ng bansa nang nakangiti at sabik na sabik. Nang dumating siya sa kanilang baranggay ay dumiretso itong pumunta sa bahay nila Jameela. Habang naglalakad ay napansin niyang maraming nakawagayway na mga <em>pandala <\/em>at <em>pandi<\/em> na nakabalandra sa labas ng bahay nila Jameela na karaniwang makikita lang tuwing may ginagawang salagguni o kasalan. Ang <em>pandala<\/em> at <em>pandi<\/em> ay simbolo ng kulturang Bangsamoro na ang ibig sabihin ay may malapit nang ikasal. Masayang pumasok si Fahad sa loob ng bahay. Nakita niya si Jubair na matalik niyang kaibigan kasama ang ama niya na katatapus lang mag-<em>salangguni<\/em> o mamanhikan kay Jameela at nakatakdang ikasal.<\/p>\n<p>\u201c<em>Kalimo<\/em> ko!\u201d nagtatakang sigaw ni Fahad habang hinahanap si Jameela na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam. Hindi niya alam ang gagawin at parang nababaliw at natataranta.<\/p>\n<p>\u201cAnong ginagawa mo dito?!\u201d galit na tanong ni Datu Abdullah kay Fahad.<\/p>\n<p>\u201cHeto na po ang limang daang piso, Datu!\u201d pagsusumamong sabi ni Fahad sa ama ani Jameela habang inilalagay sa mesa ang pera nakatali pa.<\/p>\n<p>\u201cDinagdagan ko pa po ng isang daang libong piso,\u201d dagdag pa niya habang tumutulo ang luha nito na parang tubig na umaagos sa gripo.<\/p>\n<p>\u201cHindi ko kailangan ang pera mo! Nagbigay na ng isang milyon ang pamilya nila Jubair para hingin ang kamay ng anak ko!\u201d pagmamataas na sinabi ni Datu Abdullah.<\/p>\n<p>\u201cWala kayong isang salita Datu Abdullah!\u201d wika ni Fahad na nagsusumamo habang nakaupo sa sahig na parang batang inagawan ng isang laruan.<\/p>\n<p>\u201cUmalis ka na dito bago pa magdilim ang paningin ko! At huwag kang mag-iskandalo dito. Hindi ka imbitado dito sa bahay ko! Hindi kayo bagay ng anak ko! At higit sa lahat ayaw kong makasal sa anak ko ang isang katulad mo!\u201d galit na sigaw ni Datu Abdullah habang tinituro sa mukha si Fahad.<\/p>\n<p>Umalis si Fahad sa bahay ni Datu Abdullah na humahagulgol sa labis na kalungkutan. Habang si Jameela naman ay nagkulong sa kanyang kwarto ng araw na iyon at buong araw na umiiyak at hindi kumakain. Hindi niya pweding kausapin si Fahad sa pagkakataong iyon dahil binalaan siya ng kanyang ama na papaslangin si Fahad kapag nagkatuluyan sila nito. Ayaw mawala ni Jameela si Fahad kaya nagdesisyon siyang pakasalan si Jubair at tanggapin ang inaalok nilang isang milyong dote.<\/p>\n<p>Kinasal sina Jameela at Jubair sa isang hotel sa siyudad at maraming mayayamang pamilya ang imbitado. Buong araw na umiiyak si Fahad at pinagsusuntok ang haligi ng kanilang bahay na yari sa isang marupok na uri ng kahoy. Kahit nagdurugo na ang kanang kamay nito ay hindi pa rin niya tinigilang suntukin ang haligi ng bahay nila. Inawat lang siya ng kanyang ina at niyakap.<\/p>\n<p>\u201cTama na <em>kalimo<\/em> ko. Tama na,\u201d umiiyak na pakiusap ng ina niya na labis na nasasaktan sa dinadanas ng anak. Nilapitan niya ito.<\/p>\n<p>\u201cGinawa ko ang lahat ina ko. Tiniis ko ang lahat. Wala ng natira sa akin ina. Siya lang ang lagi kong iniisip. Ikamamatay ko kapag mawala siya ina ko,\u201d patuloy na hagulgol ni Fahad habang yakap ang ina nang mahigpit.<\/p>\n<p>\u201cMakakakita ka rin ng mas magmamahal sa iyo ng totoo <em>kalimo<\/em> ko,\u201d pagtahan sa kanya ng ina niya habang hinahaplos ang ulo nito.<\/p>\n<p>Mula noon lagi na lang nakatulala si Fahad at hindi masyadong kumakain. Nawalan na siya ng gana sa buhay. Hindi na rin nakikita ang mga biloy nito sa magkabilang pisngi ng kanyang mukha na dati rati ay kusang lumilitaw. Hindi na rin siya lumalabas ng bahay. Isang araw, narinig na lang niya na nanganak na si Jameela at pinangalanan itong <em>Fajam<\/em> na hango sa bansag sa kanila noong nasa hayskol pa sila. Lalong nalungkot si Fahad ng makita niya sa <em>Facebook<\/em> ang mga larawan nila Jameela, Jubair at ang anak nito sa isang <em>aqiqa<\/em> o isang ritwal na ginagawa ng mga Muslim sa bagong silang na sanggol at pagpapangalan dito.<\/p>\n<p>\u201cMamahalin pa rin kita habambuhay <em>kalimo<\/em> ko,\u201d sabi ni Fahad sa sarili habang pinagmamasdan ang mga larawan ni Jameela sa <em>social media.<\/em><\/p>\n<p>\u201cIkaw lang ang una at huli kong mamahalin,\u201d dagdag pa nito habang unti-unting pumapatak ang luha niya.<\/p>\n<p>Mula noon, nagpakalayo-layo na lang si Fahad para hindi niya makita ang pamilya nila Jameela at muling maalala ang mga masasakit na naranasan nito sa lugar na iyon. Hindi na rin siya nagpi-<em>facebook<\/em>. Sa kabilang dako naman ay masayang-masaya na si Jameela sa kanyang pamilya at unti-unti na niyang natutunang mahalin si Jubair hanggang sa mabuntis siya ulit nito at manganak. Tumandang binata naman si Fahad at hindi na umibig pang muli. Dinamdam niya lahat ng sakit na naranasan niya. Hanggang isang araw, nabalitaan na lang ni Jameela na nagkasakit at namatay na si Fahad dahil sa sakit at depresyon. Inilibing siya agad na naayon sa isang kultura ng Muslim na kung saan sa loob ng dalawampu\u2019t apat na oras ay dapat nakalibing na.<\/p>\n<p>Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may biglang dumating na isang <em>package<\/em> para kay Jameela. Isa itong kahon ng sapatos na may katamtamang laki. Dahan-dahan niya itong binuksan. Nagtataka siya dahil walang pangalang nakalagay dito kung sino ang nagpadala nito. Nang tuluyang mabuksan niya ang kahon, nakita niya ang isang puting sulat na nakalagay sa isang sobre at limang daang libong piso na buo pang nakatali. Binuksan niya ang sulat at biglang tumulo ang kanyang mga luha.<\/p>\n<p>\u201cPara sa iyo <em>kalimo <\/em>ko. Wala akong sama ng loob sa iyo. Hindi mo kasalanan ang lahat. Kasalanan ko kung bakit isinilang akong mahirap at hindi kita nagawang ipaglaban. Kung sana ay nakaipon ako ng mas maaga ay sana tayo na ang nagkatuluyan. Ingatan mo si <em>Fajam<\/em> ah. Sa kanya \u2018yang pera na iyan. Para sa kanyang pag-aaral. Kahit hindi ko man siya tunay na anak ay alam kong sa pangalan pa lang niya ay hindi mo pa rin maikakaila na mahal mo pa rin ako pero hindi na tayo pwedi sapagkat haram sa Islam na makiapid. Hayaan mong mahalin kita kahit may asawa ka na. Hayaan mong mahalin ko ang anak mo kahit hindi ko siya tunay na anak. At hayaan mo ng mahalin kita habambuhay at kahit sa kabilang buhay. Kung ipapanganak man akong muli, ikaw at ikaw pa rin ang aking mamahalin. Walang isang minuto na hindi kita iniisip. Mahal na mahal kita <em>kalimo<\/em> ko.\u201d Hindi pa niya natatapos basahin ang sulat ay tumulo ang mga luha ni Jameela at halos mabura na ang mga tinta ng sulat sa luha nito. Umiiyak si Jameela habang yakap-yakap nang mahigpit ang sulat. Nang \u2018di anu-ano\u2019y biglang nagdilim ang kanyang paningin at hinimatay.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Norhan B. Kudarat Maagang gumising si Fahad upang maligo dahil sa alas siyete ang kanyang pasok sa mataas na paaralan ng Dimataling sa Zamboanga del Sur. Makikita sa kanyang may biloy na mga pisngi ang saya at ngiting parang abot &hellip; <a href=\"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/dote-dowry\/\">Continue reading <span class=\"meta-nav\">&rarr;<\/span><\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_newsletter_access":"","_jetpack_dont_email_post_to_subs":false,"_jetpack_newsletter_tier_id":0,"_jetpack_memberships_contains_paywalled_content":false,"_jetpack_feature_clip_id":0,"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":"","jetpack_post_was_ever_published":false},"categories":[29],"tags":[],"class_list":["post-2486","post","type-post","status-publish","format-standard","hentry","category-fiction"],"jetpack_sharing_enabled":true,"jetpack_likes_enabled":true,"jetpack_featured_media_url":"","_links":{"self":[{"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2486","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=2486"}],"version-history":[{"count":2,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2486\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":2488,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/2486\/revisions\/2488"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=2486"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=2486"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=2486"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}