{"id":6543,"date":"2026-03-17T16:35:24","date_gmt":"2026-03-17T08:35:24","guid":{"rendered":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/?p=6543"},"modified":"2026-03-17T16:35:24","modified_gmt":"2026-03-17T08:35:24","slug":"naipong-mga-tula-sa-buwan-ng-ramadan","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/naipong-mga-tula-sa-buwan-ng-ramadan\/","title":{"rendered":"Naipong mga tula sa buwan ng Ramadan"},"content":{"rendered":"<p><em>Guian Dayang<\/em><\/p>\n<p><strong>I<\/strong><br \/>\nPagkatapos ng Aking Unang Libing<\/p>\n<p>Sa unang mga linggo,<br \/>\nAng tanging ingay ay lagitik ng yelo<br \/>\nNa gumuguhit sa dingding ng aking hukay.<br \/>\nMinsan, iniisip kong baka ginuguhitan ako<br \/>\nNg isang batang hindi pa ipinapanganak\u2014<br \/>\nGumuguhit ng mapa kung saan ako natutulog,<br \/>\nO di kaya\u2019y ng guhit ng isang ilog<br \/>\nNa matagal nang tuyo.<\/p>\n<p>Natuto akong magbilang ng araw<br \/>\nSa pag-init at paglamig ng aking mga daliri.<br \/>\nNatuto akong sukatin ang buwan<br \/>\nSa pagitan ng dalawang pagsabog sa malayo.<br \/>\nAt sa bawat tunog na iyon,<br \/>\nMay kasunod na mabigat na halimuyak<br \/>\n\u2014kalawang, abo, at sariwang dugo\u2014<br \/>\nNa bumababa hanggang sa butas na ito.<\/p>\n<p>May mga araw na nakikita ko<br \/>\nAng isang sinag ng liwanag<br \/>\nNa dumaraan sa pagitan ng mga tabla sa ibabaw,<br \/>\nParang mata ng isang nilalang na<br \/>\nPinagmamasdan lang ako.<br \/>\nHinahabol ko iyon gamit ang dila,<br \/>\nPinapaitim ng laway ang yelo,<br \/>\nAt tinutunaw sa bibig hanggang maging tubig.<\/p>\n<p>Minsan, dumaan ang mga halimaw sa himpapawid.<br \/>\nHindi ko sila nakita, pero narinig ko ang<br \/>\nPamumulaklak ng hangin sa bawat pag-ikot ng propeller,<br \/>\nAt ang mga talon ng putok<br \/>\nNa sumisilip sa pagitan ng ulap.<br \/>\nNaramdaman ko ang lupa na huminga,<br \/>\nAt sa paghinga nito, may kasamang hiyaw\u2014<br \/>\nHindi na mahalaga kung sa bata o matanda.<\/p>\n<p>Pagkaraan, nagdilim ang ibabaw.<br \/>\nWala nang sigaw, wala nang yabag.<br \/>\nAng natira na lang ay ang amoy:<br \/>\nMga bagong punit na laman,<br \/>\nMga ugat na kinalas sa lupa,<br \/>\nMga butong kumakaskas sa isa\u2019t isa.<br \/>\nHinaplos ko ang kahoy sa paligid ko\u2014<br \/>\nMalamig, magaspang, parang balat<br \/>\nNg mga bangkay na nakapatong sa ibabaw.<\/p>\n<p>Sa mga panaginip ko, bumababa ang Diyos.<br \/>\nPero wala siyang mukha, wala siyang kamay.<br \/>\nPara lang siyang liwanag na hindi makalapit,<br \/>\nNa parang natatakot na madungisan<br \/>\nNg putik at dugo.<br \/>\nMinsan, iniisip kong baka hindi siya Diyos,<br \/>\nBaka siya\u2019y isa ring sundalo<br \/>\nNa hindi makahanap ng daan pauwi.<\/p>\n<p>Lumipas ang maraming panahon.<br \/>\nNarinig ko ang tugtog ng isang martsa\u2014<br \/>\nMabagal, malamlam,<br \/>\nMula sa mga trompa sa malayong lungsod.<br \/>\nMay nagsabi, tapos na raw ang digmaan.<br \/>\nPero sa ilalim, hindi natatapos ang mga tunog:<br \/>\nAng patak ng tubig mula sa kisame,<br \/>\nAng himig ng aking sariling hininga,<br \/>\nAt ang mahina ngunit malinaw na<br \/>\nPaglagitik ng aking dibdib,<br \/>\nParang relo na hindi marunong huminto.<\/p>\n<p>Kung ito ang tinatawag nilang kapayapaan,<br \/>\nBaka mas mabuti nang manatili rito\u2014<br \/>\nKung saan walang mga mata<br \/>\nNa magtatala kung paano ka namatay,<br \/>\nKung saan ang mundo ay wala nang hugis,<br \/>\nAt ang tanging direksiyon ay pababa.<\/p>\n<p><span style=\"color: #ffffff;\">a<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #ffffff;\">a<\/span><\/p>\n<p>II<br \/>\n<strong>\u00ccgem<\/strong><\/p>\n<p>Sa isang dulo ng katahimikan<br \/>\nmay matandang kamay<br \/>\nna parang ugat ng punong matibay \u2014<br \/>\ntahimik na lumilok ng landas<br \/>\ngamit ang sinulid<br \/>\nSa bawat hiblang kanyang hinahabi<br \/>\nmay mundong tumatangging malimot.<\/p>\n<p>Hindi ito basta paglikha<br \/>\nIto&#8217;y isang panata<br \/>\nSa kanyang mga daliri<br \/>\nmay dasal na hindi binibigkas \u2014<br \/>\nnakasilid sa pagitan ng hibla,<br \/>\nnakapulupot sa dulo ng kulay.<\/p>\n<p>Kaya ang ig\u00eam ay hindi lamang banig.<br \/>\nIto ang mga pangalang<br \/>\nhindi naisama sa aklat,<br \/>\nmga kuwentong hindi isinulat<br \/>\nkundi marahang tinahi<br \/>\nsa ilalim ng ilaw na kumukurap.<\/p>\n<p>At bawat habi ay kasaysayan \u2014hindi ginugunita<br \/>\nkundi muling panghinga<br \/>\nKayumanggi ang lupa<br \/>\nna matagal nang nakikinig.<br \/>\nPula ang alaala<br \/>\nng mga gabing hindi natulog ang bayan.<br \/>\nBughaw ang tubig<br \/>\nna patuloy na kumakalinga<br \/>\nkahit paulit-ulit ang paglimot.<\/p>\n<p>Ang kanyang mga kamay ay tulay.<br \/>\nSa pagitan ng noon at ngayon,<br \/>\niginuguhit niya ang panahon<br \/>\nhindi gamit ang tinta<br \/>\nkundi ng sinulid<br \/>\nAt sa bawat pagliko ng hibla,<br \/>\nmay aral na marahang sumusulpot<br \/>\nna kahit ang babae ay marunong magbantay<br \/>\nng apoy ng isang bayan.<\/p>\n<p>Sa mga mata ni Estelita,<br \/>\nang ig\u00eam ay anyo ng kanyang lupang minana \u2014<br \/>\nisang mundong unti-unting tinatakpan ng ingay,<br \/>\nngunit sa bawat banig may tinig na maririnig pa rin,<br \/>\nNarito kami.<br \/>\nBuhay pa kami.<br \/>\nKaya siya\u2019y hindi lang manlilikha<br \/>\nTagapangalaga siya ng mga alaalang ayaw mag\u2014patupi.<\/p>\n<p>Estelita.<br \/>\nHindi lang siya pangalan.<br \/>\nSiya ang ig\u00eam<br \/>\nna hindi kailanman matutupi \u2014<br \/>\nsapagkat sa kanyang mga kamay,<br \/>\nang bawat hibla ay panata,<br \/>\nang bawat banig ay bayan.<\/p>\n<p><span style=\"color: #ffffff;\">a<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #ffffff;\">a<\/span><\/p>\n<p>III<br \/>\n<strong>Walang Paalam<\/strong><\/p>\n<p>Bukas<br \/>\nAng pinto<br \/>\nSarado<br \/>\nAng usapan<\/p>\n<p>Mabango<br \/>\nAng hangin<br \/>\nMapait<br \/>\nAng gabi<\/p>\n<p>Tuwid<br \/>\nAng daan<br \/>\nLik\u00f4-lik\u00f4<br \/>\nAng loob<\/p>\n<p>Mabilis<br \/>\nAng mga hakbang<br \/>\nMabagal<br \/>\nAng tibok<\/p>\n<p>Mainit<br \/>\nAng kape<br \/>\nMalamig<br \/>\nAng titig<\/p>\n<p>Bu\u00f4<br \/>\nAng tinapay<br \/>\nDurog<br \/>\nAng damdamin<\/p>\n<p>Umuulan<br \/>\nSa labas<br \/>\nTuyo<br \/>\nAng mata<\/p>\n<p>Mabigat<br \/>\nAng ula<br \/>\nMagaan<br \/>\nAng katawan<\/p>\n<p>Makulimlim<br \/>\nAng langit<br \/>\nMaliwanag<br \/>\nAng katotohanan<\/p>\n<p>Puno<br \/>\nAng bag<br \/>\nWala<br \/>\nNang dahilan<\/p>\n<p><span style=\"color: #ffffff;\">a<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #ffffff;\">a<\/span><\/p>\n<p>IV.<br \/>\n<strong>Bantay<\/strong><\/p>\n<p>May batang marunong<br \/>\nmagpatahan<br \/>\nkahit siya mismo<br \/>\nay inaantok pa.<\/p>\n<p>Sa kaliwang balikat<br \/>\nnakasandal ang mas maliit,<br \/>\ninit na hiniram<br \/>\nsa katawan niyang payat.<br \/>\nHindi siya tinatawag<br \/>\nna ina.<br \/>\nHindi rin ate<br \/>\nkapag may bisita.<\/p>\n<p>Ngunit kabisado niya<br \/>\nang oras ng gatas,<br \/>\nang timpla ng iyak,<br \/>\nang bigat ng katahimikan<br \/>\nkapag biglang tumigil<br \/>\nang pag-ungol sa duyan.<\/p>\n<p>Sa umaga,<br \/>\nhabang ang ibang bata<br \/>\nay nagbibilang ng pahina<br \/>\nsa silid-aralan,<\/p>\n<p>siya\u2019y nagbibilang<br \/>\nng minuto<br \/>\nsa pagitan ng tulog<br \/>\nat gising.<\/p>\n<p>May mga laruan<br \/>\nna hindi kanya<br \/>\nang ingay.<br \/>\nMay mga kwento<br \/>\nna hindi niya<br \/>\nmasikmurang pakinggan.<br \/>\nAt kapag napatahan na<br \/>\nang batang karga niya,<br \/>\nsandali siyang tumitingin<br \/>\nsa bintana ng bahay sa tabi ng sapa \u2014<\/p>\n<p>parang may inaalalang<br \/>\ndapat sana<br \/>\nsiya ang inaalagaan.<\/p>\n<p>Pero tatawag na naman<br \/>\nang maliit.<br \/>\nMuli,<br \/>\niaayos niya ang buhat,<br \/>\nhihimasin ang likod,<br \/>\nat marahang sasabihin:<\/p>\n<p>\u201cNandito lang.\u201d<br \/>\nNa para bang<br \/>\nkaya niyang punuin<br \/>\nang puwang<br \/>\nna hindi naman<br \/>\ndapat sa kanya.<\/p>\n<p><span style=\"color: #ffffff;\">a<\/span><\/p>\n<p><span style=\"color: #ffffff;\">a<\/span><\/p>\n<p>V.<br \/>\n<strong>Ang Mahal ng Butil<\/strong><\/p>\n<p>Ang butil sa merkado<br \/>\nAy mahal.<br \/>\nBawat kutsara\u2019y may presyo,<br \/>\nBawat sako\u2019y may kwenta.<\/p>\n<p>Habang sa palayan,<br \/>\nAy mura.<br \/>\nWala nang bago,<br \/>\nNakaumang ang lupa<br \/>\nSa init ng araw,<br \/>\nSa pawis ng kamay<br \/>\nNa hindi sinusukat ng salapi.<\/p>\n<p>Ang paa ng magsasaka<br \/>\nAy punong-puno ng alikabok,<br \/>\nAng mga palad<br \/>\nAy may marka ng taon ng pagtitiis.<br \/>\nNgunit walang nagbibilang<br \/>\nNg bawat hibla ng pawis na iyon.<\/p>\n<p>Sa hapon,<br \/>\nMay batang nagbibilang<br \/>\nNg butil sa sako.<br \/>\nMaraming mata<br \/>\nAng nakatingin sa lupa,<br \/>\nMaraming kamay<br \/>\nAng naghihintay sa gatas ng lupa.<\/p>\n<p>Ang merkado\u2019y sumisigaw:<br \/>\n\u201cBayaran mo, bayaran mo.\u201d<br \/>\nAng palayan ay tahimik,<br \/>\nNgunit sa bawat hangin<br \/>\nAy may kwento ng pagtitiis,<br \/>\nNg pasensya,<br \/>\nNg buhay na lumalaban<br \/>\nKahit walang kwenta sa papel.<\/p>\n<p>At kapag gabi na,<br \/>\nAng sako ng bigas ay nananatili<br \/>\nSa silong ng bahay ng magsasaka.<br \/>\nButil-butil, tila alaala ng alaalang pinapaalala<br \/>\nNa ang tunay na yaman<br \/>\nAy hindi laging nasusukat<br \/>\nSa presyo ng merkado.<\/p>\n<p>Ang butil ay mahal sa mata ng tao,<br \/>\nNgunit sa kamay ng lupa<br \/>\nAy mura,<br \/>\nAt ang mas masakit, kinabukasan o sa susunod na araw,<br \/>\nAng nagtatanim ay biglang hahandusay sa lupang tinataniman,<br \/>\nNgayon ang nagtatanim ay siya na ang itatanim.<\/p>\n<p>HUSTISYA.<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n<p>&nbsp;<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Guian Dayang I Pagkatapos ng Aking Unang Libing Sa unang mga linggo, Ang tanging ingay ay lagitik ng yelo Na gumuguhit sa dingding ng aking hukay. Minsan, iniisip kong baka ginuguhitan ako Ng isang batang hindi pa ipinapanganak\u2014 Gumuguhit ng &hellip; <a href=\"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/naipong-mga-tula-sa-buwan-ng-ramadan\/\">Continue reading <span class=\"meta-nav\">&rarr;<\/span><\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_newsletter_access":"","_jetpack_dont_email_post_to_subs":false,"_jetpack_newsletter_tier_id":0,"_jetpack_memberships_contains_paywalled_content":false,"_jetpack_feature_clip_id":0,"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":"","jetpack_post_was_ever_published":false},"categories":[4],"tags":[],"class_list":["post-6543","post","type-post","status-publish","format-standard","hentry","category-poetry"],"jetpack_sharing_enabled":false,"jetpack_likes_enabled":false,"jetpack_featured_media_url":"","_links":{"self":[{"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/6543","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=6543"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/6543\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":6544,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/6543\/revisions\/6544"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=6543"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=6543"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=6543"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}