{"id":7259,"date":"2026-09-30T12:54:56","date_gmt":"2026-09-30T04:54:56","guid":{"rendered":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/?p=7259"},"modified":"2026-09-30T12:54:56","modified_gmt":"2026-09-30T04:54:56","slug":"maratabat","status":"publish","type":"post","link":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/maratabat\/","title":{"rendered":"Maratabat"},"content":{"rendered":"<p style=\"text-align: justify;\"><em>Almayrah A. Tiburon<\/em><\/p>\n<p>Hindi na kailangang itanong kung sino ang bumaril. Alam ng buong bayan. Ang hindi nila alam ay kung sino ang susunod na mamamatay.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hapon pa lang, nagsara na ang mga tindahan. Ang mga traysikel ay hindi na bumiyahe sa terminal malapit sa bahay na iyon. Ang mga inang pauwi mula sa palengke ay nagmamadaling isinara ang mga tarangkahan. Walang nagsabi ng salitang <em>rido<\/em>, ngunit alam ng bawat isa kung paano nagsisimula ang ganitong katahimikan. May mga katahimikang mas nakatatakot kaysa putok ng baril sapagkat alam ng lahat na anumang sandali, maaari itong humingi ng panibagong bangkay.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Nasa harap ng ina ang bangkay ni Mosaab. Tahimik niyang inaayos ang buhok ng anak. Paulit-ulit. Kahit alam niyang hindi na ito magigising. Hindi pa man natutuyo ang puting tela sa kaniyang dibdib, naroon pa rin ang mukha ng isang binatang hindi pa natatapos mangarap na maging pulis.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">\u201cHihintayin pa ba nating mailibing si Mosaab bago tayo maningil?\u201d Ang bente anyos na mainitin ang ulo na si Osop, pinsan ng pumanaw.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">\u201cHabang umiiyak tayo rito, baka nakakatawa na tayo sa kanila,\u201d si Moamar na kapatid ni Mosaab.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">May mga sugat na naghihilom sa paglipas ng panahon. Ngunit sa Lanao, may mga sugat na nagiging apelyido. Sinimulang gumalaw ang mga binata. May kumuha ng baril at sa labas ay may nagpapainit ng motorsiklo.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Si Karim, ang ama ng bangkay ay tumayo sa pintuan at hinarang ang iba pang mga lalaking may balak maghiganti.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">\u201cKapag lumabas kayo ngayon&#8230; hindi lang anak ko ang ililibing natin.\u201d<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Walang kumilos. Tanging tunog ng hinga at mahinang kalansing ng mga sandatang hawak ng mga binata ang maririnig. Sa unang pagkakataon, tila mas mabigat ang katahimikan kaysa anumang putok ng baril.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Natahimik ang lahat hindi dahil sa takot, kundi dahil ama ang nagsalita. Ang kaniyang tinig ay may bigat na hindi kayang higitan ng anumang sigaw. Sa salita lamang niya\u2019y isa-isang bumaba ang mga matang kanina lamang ay nagliliyab sa galit.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Habang nakahimlay ang bangkay ni Mosaab, si Jafar, ang isang pitong taong gulang na apo ay hindi nauunawaan ang mga pangyayari.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Bakit po galit ang lahat?&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hindi sumagot ang ina bagkus niyakap na lamang ang anak. Hindi pa alam ng bata na may mga tanong na sa Lanao ay hindi agad sinasagot. Sapagkat kung minsan, ang maling sagot ay nakapaglilibing ng mas marami pang bangkay kaysa isang bala.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Sa pinakadulong bahagi ng silid ay tahimik na nakaupo ang pinakamatandang datu sa kanilang angkan. Nakapatong ang dalawang kamay sa hawakan ng kaniyang baston. Hindi siya nagsasalita. Hindi rin siya kailangang magsalita. Sa bawat paglingon ng mga tao sa kaniya, waring hinihintay ng buong silid kung kailan niya pipiliing basagin ang katahimikan.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Isang lalaking hinihingal ang dumating. Halos hindi siya makapagsalita. Nakapatong ang dalawang kamay sa kaniyang tuhod habang pilit niyang hinahabol ang hininga. Unti-unting natahimik ang buong bahay. Lahat ng mata ay nakatuon sa kaniya.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Ano&#8217;ng nangyari?&#8221; tanong ng isa sa mga tiyuhin.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Nasaan siya?&#8221; singit ng isa pang binata.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hindi agad nakasagot ang lalaki. Nang bahagyang humupa ang kaniyang hingal, saka lamang niya naibulalas ang balitang nagpalabo lalo sa isip ng lahat.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">May ilang nakarinig sa kaniyang sinabi. Ngunit bago pa man maunawaan ng lahat ang buong pangyayari, nagsimula nang gumapang ang bulungan sa bawat sulok ng bahay. Sunod-sunod ang pag-ring ng mga cellphone. May tumatawag, may nagte-text, may nagvi-video call. Sa bawat tawag ay tila may panibagong bersiyon ng kuwento.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Tumakas na raw ang nakabaril.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Hindi. Isinakay daw sa sasakyan.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;May nagsasabing palabas na ng bayan.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;May nagsabi namang nasa ospital.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Walang makapagsabi kung alin ang totoo. Lalong nagliyab ang galit ng mga pinsan.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Tama na ang paghihintay!&#8221; sigaw ni Moamar. &#8220;Kapag naunahan tayo ng kabilang angkan, tayo ang lalabas na mahina at duwag!&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Hahanapin natin sila!&#8221; sabi ng isa pa habang kinukuha ang susi ng motorsiklo.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Nasa bahay pa ang mga kamag-anak nila. Hindi puwedeng walang managot!&#8221; dagdag ng isa pang binata.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Muling humarang si Karim sa pintuan.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Walang lalabas.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;<em>Abe<\/em>&#8230;&#8221; halos pumutok ang boses ni Moamar.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Walang lalabas!&#8221; ulit niya, mas mariin. &#8220;Hindi ko ililibing ang anak ko kapalit ng isa pang bangkay.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Tahimik na tumayo si Karim sa kaniyang tabi. Isa-isang napayuko ang mga binata. Walang mahabang paliwanag. Sapat na ang presensiya ng mga nakatatanda upang pigilan ang mga kamay na kanina lamang ay naghahanap ng sandata.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Sa gitna ng kaguluhan, nanatiling nakaupo ang ina ng binata sa tabi ng bangkay ni Mosaab. Hindi siya umiiyak. Marahan lamang niyang hinahaplos ang malamig na kamay ng anak, waring umaasang magigising pa ito kapag binitiwan niya ang huli nitong init. Habang ang mga lalaki ay nag-aalab sa galit, siya nama&#8217;y tahimik na nilalamon ng dalamhati.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Nanatiling hindi nagsasalita ang matandang datu na nasa pinakadulong bahagi ng silid,. Nakapatong pa rin ang kaniyang mga kamay sa hawakan ng baston. Isa-isa niyang minasdan ang mga mukha sa paligid; ang mga binatang nagngingitngit, ang mga amang nagpipigil ng luha, ang mga inang hindi na makaiyak. Waring sinusukat niya ang bigat ng bawat salitang bibigkasin kapag dumating ang tamang sandali.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Hanggang kailan natin siya pababayaan dito?&#8221; sigaw ni Moamar. &#8220;Ililibing na lang ba natin siya nang wala man lang tayong naipaghihiganti?&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Oo nga!&#8221; sabat ng isa pang pinsan. &#8220;Paano natin maihaharap ang mukha natin sa ibang angkan? Ano na lang ang sasabihin nila?&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">May ilang kabataang lalaki ang tumango. Isa-isa silang tumingin sa mga baril na nakasandal sa dingding.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Hindi puwedeng mailibing ang bangkay habang malaya pa ang pumatay!&#8221; sabi ng isa. &#8220;Kung hindi natin siya makuha, ang pinakamalapit niyang kamag-anak ang mananagot.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Nagkatinginan ang mga binata. Unti-unti silang humakbang patungo sa pintuan. Muling humarang si Karim.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Walang lalabas.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;<em>Abe<\/em>, hindi ba kayo nasasaktan?&#8221; nanginginig ang tinig ni Moamar.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Masakit,&#8221; sagot ni Karim. &#8220;Kaya ayokong may isa pa tayong ililibing.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;<em>Abe<\/em>&#8230;&#8221; halos pabulong na sabi ni Ali.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Ang bangkay ng kapatid ninyo ay hindi hagdan para umakyat pa tayo sa panibagong libing.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Natahimik ang magkakapatid. Tumayo si Karim at dahan-dahang nilingon ang mga binata.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Maililibing natin siya.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Ngunit walang sumagot. Alam nilang ang usapan ay hindi na lamang tungkol sa paglilibing. Tahimik na tumayo ang isa sa mga nakatatandang tiyuhin at nagsabi, &#8220;Kapag inilabas ninyo ang galit ninyo ngayon, baka hindi na lamang siya ang ihahatid natin sa hukay.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Muling bumigat ang katahimikan. Sa pinakadulong bahagi ng silid, hindi pa rin umiimik ang isa pang matandang datu. Pinagmasdan lamang niya ang bawat mukhang naglalaban ang dalamhati at galit, waring alam niyang ang pinakamahirap na labanan ay hindi sa labas ng bahay, kundi sa loob mismo ng puso ng sariling angkan.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Isa nang hahakbang palabas si Moamar nang marinig ang mahinang tunog ng baston na tumama sa sahig.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\"><strong>Tok. <\/strong>Hindi ito malakas ngunit sapat upang mapahinto ang lahat. Unti-unting napalingon ang mga lalaki sa pinakadulong bahagi ng silid.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Tumayo ang matandang datu. Walang naglakas-loob magsalita. Hindi siya sumigaw, hindi rin siya nagalit. Isang tingin lamang ang ipinukol niya sa mga binata. Pagkatapos ay marahan niyang sinabi.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">\u201cPaupuin muna ninyo ang galit,\u201d walang gumalaw. <strong>&#8220;Hindi galit ang mauunang magsalita rito.&#8221;<\/strong><\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Isa-isang bumaba ang mga matang kanina lamang ay nagliliyab sa poot. Dahan-dahang ibinaba ng isang binata ang hawak niyang baril. Tahimik silang nagsibalikan sa kanilang mga upuan. Hindi na nagsalita ang matandang datu.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Muli siyang naupo, waring alam niyang kung minsan, ang pinakamaikling salita ang may pinakamabigat na bigat. Sa buong silid, wala ni isa ang nagtangkang suwayin siya.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hinatid ng mga lalaki ang bangkay sa himlayan ng kanilang angkan. Naiwan sa bahay ang mga babae upang asikasuhin ang mga panauhing patuloy na dumarating. Walang maririnig na iyakan sa daan. Tanging mahinang yabag ng mga paa, pagaspas ng hangin, at ang bigat ng katahimikang waring nakikisama sa paglalakbay ng yumao.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Marami sa mga kabataang lalaki ang nais sanang maunang maningil bago pa maibaba sa hukay ang bangkay. Ngunit nanaig ang pasiya ng mga datu. Nailibing ang kanilang anak nang walang dugong dumanak sa araw na iyon. Ngunit sa bawat dakot ng lupang tumama sa bangkay, tila may isa ring pangakong inilibing, na kung mabibigo ang katarungan, may maghuhukay muli sa galit. Gayunman, hindi nito napawi ang nag-aalab na poot. Nanatili itong nagkukubli sa bawat titig, sa bawat pagkuyom ng kamao, at sa bawat katahimikang mas mabigat pa kaysa sigaw.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Palibot ng libingan ay nakatayo ang mga binata. Hindi sila magkakatabi, kundi nakapuwesto sa iba&#8217;t ibang bahagi, wari&#8217;y nagbabantay sa bawat landas na maaaring pagmulan ng panganib. Nakasukbit sa kanilang mga balikat ang mga baril; ang ilan ay nakahawak pa sa mga ito na para bang anumang maling kilos ay maaaring maging hudyat ng putukan.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Kilalang mapagpakumbaba ang kanilang angkan. Hangga&#8217;t maaari ay iniiwasan nila ang paghihiganti at ang pagdanak ng dugo. Subalit iba ang usapin kapag ang <em>maratabat<\/em> ng pamilya ang nadungisan. Para sa mga kabataang naroon, ang pagkamatay ng kanilang kapatid ay hindi lamang pagkawala ng isang mahal sa buhay; isa rin itong sugat sa dangal ng buong angkan.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Tahimik na lumapit si Moamar kay Ali.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Hindi ba talaga tayo kikilos?&#8221; mahina niyang tanong.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Mahigpit na napapikit si Ali bago sumagot.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Hangga&#8217;t iyon ang utos ng mga datu.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;At kung wala silang gawin?&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hindi agad sumagot si Ali. Sa halip ay tumingin siya sa bagong tabing lupa.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Darating din ang araw ng katotohanan.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hindi malaman ni Moamar kung iyon ba&#8217;y pangako o pagpipigil lamang sa sariling galit. Nang matapos ang huling panalangin, walang sinumang agad na tumalikod. Nanatili silang nakatayo, nakatanaw sa puntod na sariwa pa ang lupa. Isa-isa nilang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanilang mga sandata.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Maya-maya, isang putok ang umalingawngaw sa himpapawid. Kasunod ang isa pa. At isa pa. Pawang nakatutok sa langit ang mga dulo ng baril. Walang bala ang hinanap na katawan. Wala silang tinumbang tao. Ang mga putok ay tila naging sigaw ng dalamhating hindi mailabas ng kanilang mga luha. Nang muling bumalik ang katahimikan, marahang ibinaba ni Karim ang kaniyang tingin.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Huwag ninyong hayaang mas maingay ang mga baril kaysa mga panalangin.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Isa-isa nilang ibinaba ang kanilang mga sandata. Ngunit alam ng lahat na hindi pa roon nagtatapos ang pagluluksa. Hindi rin doon natapos ang galit.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Tila nahati sa tatlong mukha ang bahay sa unang araw ng <em>kanggawii<\/em>. Sa kusina, tahimik na gumagawa ng <em>palapa, <\/em>nagluluto ng<em> randang, piyaren a bakas,<\/em> at nagsasaing ang mga babae; walang nagsasalita maliban sa maiikling bilin at marahang kalansing ng mga kaserola. Sa sala, nakaupo ang mga datu at matatandang lalaki, mababagal ang tinig ngunit mabibigat ang bawat salita. Sa bakuran naman, hindi mapakali ang mga kabataang lalaki. Nakasandal ang ilan sa mga puno, ang iba&#8217;y paikot-ikot na tila may hinihintay na utos.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Mag-aalas singko ng hapon nang may sasakyang huminto sa tapat ng tarangkahan. Bumaba si Jufali. Bigla siyang napauwi mula sa Saudi nang mabalitaan ang sinapit ng kapatid.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Pagkakita pa lamang sa kaniya ay hindi na napigil ng mga magulang ang luha. Mahigpit niya silang niyakap. Wala siyang nasabi. Tanging paghikbi lamang ang pumuno sa pagitan nilang tatlo.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Naalala pa niya ang huling umagang nagpaalam siya.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Mag-iingat ka roon at huwag kang makakalimot sa Allah,&#8221; bilin noon ni Karim.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Mahal na mahal ka namin, <em>Takolay<\/em>,&#8221; sabi ng kaniyang ina habang yakap siya.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Tumakbo noon si Mosaab bitbit ang isang jacket.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;<em>Kaka<\/em>, baunin mo ito para lagi mo akong kasama.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Napapikit si Jufali. Hindi niya akalaing sa pagbabalik niya ay hindi na siya sasalubungin ng kapatid.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Pagsapit ng gabi, matapos ang panalangin sa <em>&#8216;Isha<\/em>, siya ang nanguna sa <em>wasyat<\/em>. Hindi ito mahaba.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Hindi sinusukat ng Allah ang tibay ng pananampalataya sa bilis nating magalit.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Tahimik ang lahat.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Ang <em>sabr<\/em> ay hindi kahinaan. Ito ang lakas ng pusong marunong maghintay sa katarungan ng Allah.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Walang umimik. Sa gabing iyon, higit na mahaba ang katahimikan kaysa sa kaniyang sermon.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Mas maraming dumating upang mag<em>tibaw<\/em> ng ikalawang araw ng <em>kanggawii<\/em>. Habang naghahain ang mga babae, marahang nag-uusap ang ilang matatandang kamag-anak sa isang sulok ng bakuran. Hindi nila alam na naririnig sila ng mga kabataan.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Dalawang araw na&#8230;&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Tahimik pa rin.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Kung ibang angkan iyon&#8230;&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hindi na nila itinuloy ang pangungusap ngunit sapat na iyon. May marahang kumuyom ng kamao. May tumingin sa motorsiklong nakaparada sa ilalim ng mangga, lalong lumakas ang bulong ng paghihiganti.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Ikatlong araw. Bandang hapon ay may dalawang lalaking nagmamadaling pumasok sa bakuran. Hingal na hingal sila.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;May nakita kami.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Biglang napalingon ang lahat.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Ano?&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Isang puting sasakyan.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Natahimik ang buong bakuran.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Sigurado ba kayong sila iyon?&#8221; tanong ni Ali.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Umiling ang isa.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Hindi namin matiyak. Mabilis ang takbo. Wala ring plaka.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;May nakilala ba kayo?&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Wala. Nakalayo agad.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hindi pa man natatapos ang usapan ay may kumuha na ng susi ng motorsiklo. Umandar ang makina. Doon tumayo ang isa sa mga datu.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Walang hahabol.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hindi malakas ang kaniyang tinig. Namatay ang makina. Muling nauwi sa haka-haka ang lahat ngunit ang galit ay lalo lamang nagkaroon ng direksiyon.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Mas dumami ang mga taong <em>nagtitibaw<\/em> sa ikaapat na araw. Mas marami ring nagdadala ng balita. Bawat dumarating ay may bagong kuwento. May nagsasabing nakatakas na raw ang salarin. May nagsasabing kusa raw itong sumuko. May nagsasabing nasa ibang lalawigan na. Walang nakatitiyak.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Sa sala, tahimik ang mga datu. Sa bakuran, lalong umiinit ang usapan ng mga kabataan. Ramdam ng lahat na mas mabilis kumalat ang haka-haka kaysa katotohanan.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Halos hindi na mapakali ang ilan dahil limang araw na\u2019y wala pa ring nangyayari. Isa-isa nilang isinusuot ang <em>helmet<\/em>. May nagsabit ng baril sa balikat. May sumipa sa <em>kick starter<\/em> ng motorsiklo.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Umalingawngaw ang mga makina. Doon dumating si Jufali. Mahigpit ang hawak niya sa kaniyang <em>tasbih<\/em>. Matagal siyang hindi nagsalita. Kitang-kita ng mga kabataan ang panginginig ng kaniyang mga daliri. Lumapit siya kay Moamar.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Kapag umalis kayo&#8230;&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Huminto siya.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;&#8230;isama ninyo ako.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Nagkatinginan ang lahat. Hindi nila inaasahan ang narinig. Marahang yumuko si Jufali.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Dahil kapag may pinatay kayo ngayong gabi&#8230;&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Napapikit siya.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;&#8230;ako ang unang iiyak para sa inyo.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Mahabang katahimikan. Isa-isang pinatay ang mga makina. Walang umalis.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Tahimik ang bakuran sa ikaanim na araw. May isang kabataang walang ginagawa kundi mag-scroll sa Facebook ni Mosaab.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Bigla siyang natigilan. Matagal niyang tinitigan ang isang lumang larawan. Lumapit ang isa. Pagkatapos ay isa pa.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Sa larawan, magkaakbay sina Mosaab at Farouk. Parehong nakasuot ng uniporme sa Criminology. Parehong nakangiti. Sa ibaba nito ay mababasa ang komento ni Mosaab.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\"><em>&#8220;Future PNP. Magkasama tayo rito, kapatid.&#8221;<\/em><\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Walang nagsalita. Walang nagsabing magkaibigan pala ang dalawa. Hindi na iyon kailangan. Sapat na ang larawan. Sa unang pagkakataon, ang galit ay nahaluan ng pagkalito.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Pagsapit ng ikapito at huling araw ng <em>kanggawii <\/em>na patuloy ang pagdating ng mga nakikidalamhati sa pamilya, hindi na lamang pagluluksa ang laman ng bahay. Pitong araw magkakasabay na sinubok ang <em>maratabat<\/em>, pananampalataya, at pagpipigil ng buong angkan.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Sa kusina, patuloy ang paghahanda ng pagkain. Sa bakuran, patuloy ang pagbabantay. Sa sala, hindi pa rin tumitigil ang usapan ng mga datu. Ngunit iba na ang katahimikan ng araw na iyon. Hindi na iyon katahimikan ng pagkabigla at hindi rin katahimikan ng galit. Ito ang katahimikan ng mga taong alam nang hindi na maaaring manatiling walang pasya.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Lumingon ang <em>Palokelokesan<\/em> sa mga datu. Wala siyang sinabi. Tumango lamang siya. Nauunawaan na ng lahat ang ibig sabihin noon at ni isa\u2019y walang may kakayahang hindi sumunod kapag ang <em>palokelokesan<\/em> ang nagsalita, dahil hindi mababali ng sinuman ang kanyang desisyon.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\"><strong>Sa kabilang panig, ibang uri ng katahimikan ang namamayani.<\/strong> Hindi nila alam kung paano papasanin ang bigat ng trahedyang dumapo sa kanilang pamilya. Ang anak nilang minsang ipinagmamalaki ay nakapatay. Kasabay noon ay tila gumuho rin ang pangarap nitong maging pulis. At higit sa lahat, alam nilang nagkaroon sila ng <em>rido<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Sa dingding ng sala ay nakasabit pa ang litrato ni Farouk na nakasuot ng uniporme ng Criminology. Katabi nito ang sertipiko mula sa Police Community Relations seminar.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\"><em>&#8220;Gusto kong maging pulis paglaki,&#8221;<\/em> madalas nitong sabihin habang suot ang laruang sumbrero at hawak ang kahoy na tila baril.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hindi nila binigo ang pangarap na iyon. Nang makatuntong sa kolehiyo, Criminology ang kursong pinili nito. Buong pamilya ang naniwalang balang araw ay magsusuot siya ng uniporme at maglilingkod sa batas.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Ngunit sa araw na iyon, ibang Farouk ang umuwi, namumutla, nanginginig, may bahid ng dugo ang magkabilang kamay, at halos hindi makahinga sa kaiiyak. Ilang ulit siyang tinanong ng kaniyang mga magulang, ngunit walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Bumagsak lamang siya sa sahig, waring hindi na niya kayang buhatin ang bigat ng nangyari.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Nang araw ding iyon, nalaman nilang may isang binatang nasawi at si Farouk ang itinuturong nakabaril. Ngunit ang buong katotohanan ay nanatiling nakakandado sa loob ng kaniyang silid. Ilang araw na siyang hindi lumalabas. Inihahatid na lamang ng kaniyang ina ang pagkain sa pintuan. Minsan ay nauubos iyon. Minsan ay nananatiling hindi man lamang nagagalaw.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hindi sila nagtatago ngunit hindi rin sila lumalabas sa kanilang teritoryo. Alam nilang bawat hakbang sa labas ay maaaring tumbasan ng isang putok ng baril. Kilala nila ang sakit ng pamilyang namatayan. Kilala rin nila ang bigat ng <em>maratabat<\/em> kapag ito&#8217;y nasugatan.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Gabi-gabi, magkatabing nagdarasal ang mag-asawa. Paulit-ulit nilang hinihiling sa Allah na ilayo ang kanilang pamilya sa panibagong pagdanak ng dugo at ilantad ang buong katotohanan. Samantala, ang nakatatandang kapatid ni Farouk ay hindi halos natutulog. Tahimik lamang siyang nagbabantay sa bakuran, handang isugal ang sariling buhay kung kinakailangan upang maprotektahan ang kaniyang kapatid.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Pinihit ni Farouk ang <em>doorknob<\/em> ng kaniyang silid. Marahan siyang lumabas at dumiretso sa kusina. Nanginginig ang kamay niyang kumuha ng isang basong tubig. Habang umiinom, tila wala siyang nakikita sa paligid. Magulo ang kaniyang isip at pinipiga ng matinding pag-aalala ang kaniyang dibdib.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Pagkaraan ng ilang sandali, dahan-dahan siyang lumapit sa sofa kung saan nakaupo ang kaniyang ina.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Bigla niya itong niyakap.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;<em>Ome<\/em>&#8230;&#8221; halos pabulong niyang sambit bago tuluyang humagulgol. &#8220;Hindi ko po sinasadya&#8230; Hindi ko po sinasadya ang lahat.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Mahigpit siyang niyakap ni Mofida. Wala siyang sinabi. Marahan lamang niyang hinaplos ang likod ng anak habang pinipigil ang sariling pagluha. Sapat nang makita niyang lumabas si Farouk sa silid. Inakala nilang tuluyan na itong malulunod sa katahimikan. Ngunit ngayon, sa unang pagkakataon, nagawa nitong lumapit at umiyak sa kaniyang bisig.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Sa loob ng mga sumunod na araw, ganoon lamang ang naging takbo ng buhay ni Farouk. Madalas siyang nakatulala sa sala, nakatitig sa kawalan na para bang paulit-ulit niyang binabalikan ang isang sandaling hindi na niya mababago. Kapag sumasapit ang tanghali o gabi, tahimik siyang bumabalik sa kaniyang silid nang hindi halos kumakain o nagsasalita.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Isang hapon, marahang lumapit si Mahmod sa asawa.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Kumusta na si Farouk?&#8221; mahina niyang tanong.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Napabuntong-hininga si Mofida bago sumagot.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Lumabas na siya ng kuwarto.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Sandali siyang tumigil. Namasa ang kaniyang mga mata.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Nang yakapin niya ako kanina, parang pinipiga ang puso ko sa paghagulgol niya.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hindi na nakapagsalita si Mahmod. Pareho nilang alam na hindi lamang ang kanilang anak ang kailangang iligtas. Kailangan din nilang iligtas ang katotohanang pilit nitong ikinukubli at ang pamilyang unti-unting nilalamon ng pangamba.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Sa ikalawang linggo, dala ni Mofida ang hapunan para sa anak. Marahan niyang itinulak ang pinto. Nakasandal si Farouk sa ulunan ng kama, nakatitig sa kawalan. Nang marinig ang pagbukas ng pinto, dahan-dahan siyang tumayo at sinalubong ang ina.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Kumain ka na, <em>Takolay<\/em>,&#8221; malumanay na sabi ni Mofida. &#8220;Nagluto ako ng paborito mong <em>pindiyalokan a manok<\/em>.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hindi agad kumilos si Farouk. Matagal niya lamang pinagmasdan ang mangkok na hawak ng ina.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;<em>Ome<\/em>&#8230;&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Napahinto si Mofida.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Itinuring ko siyang kapatid.&#8221; Nanginig ang tinig ng binata. &#8220;Hindi ko&#8230; hindi ko kayang gawan ng masama si Mosaab.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hindi na niya naituloy ang sasabihin. Napayuko siya at muling humagulgol, waring bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay lalong nagpapabigat sa kaniyang dibdib.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Lumapit si Mofida at marahang hinaplos ang balikat ng anak. Hindi na siya nagtanong. Marami siyang gustong malaman, kung ano ang tunay na nangyari, bakit nauwi sa trahedya ang pagkakaibigang iyon, at bakit tila dinadala ng kaniyang anak ang buong bigat ng isang lihim. Ngunit pinili niyang manahimik. Alam niyang may mga sugat na hindi kayang buksan sa pamamagitan ng mga tanong; kusang naghihilom ang mga ito kapag handa na ang taong magkuwento. Tahimik niyang inilapag ang pagkain sa tabi ng kama at marahang lumabas ng silid.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Isang hapon, habang kakaunti ang bumibili, tahimik na nag-uusap ang mag-asawang Maimona at Amer sa loob ng kanilang maliit na tindahan.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Kumusta na kaya ang dalawang angkan?&#8221; mahinang tanong ni Maimona habang inaayos ang mga de-lata sa estante.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Napabuntong-hininga si Amer.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Hindi ko alam. Pero mula nang mangyari iyon, hindi ako mapalagay. Lagi kong naiisip ang dalawang bata. Si Mosaab&#8230; napakabuti niyang binata. Napakaaga para mawala siya. At si Farouk&#8230;&#8221; Napahinto siya. &#8220;Alam nating hindi niya sinasadyang makalabit ang gatilyo.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Tahimik na tumango si Maimona.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Naaalala mo ba? Dito pa mismo sila nakaupo.&#8221; Napangiti siya sa gitna ng lungkot. &#8220;Nag-aagawan pa sila sa <em>softdrinks<\/em>. Tinutukso ni Mosaab si Farouk dahil gusto nito ang pinsan niyang si Hania. Halos hindi na makapagsalita sa hiya si Farouk noon.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Muling bumigat ang katahimikan.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Ngayon&#8230;&#8221; mahina niyang dugtong, &#8220;isa ang nasa libingan at isa ang nakakulong sa sariling silid.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Napayuko si Amer.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Ang kinatatakot ko&#8230;&#8221; aniya, &#8220;baka hindi rito magtapos ang lahat. Kapag nagsimula ang <em>rido<\/em>, baka magka-ubusan ng lahi ang dalawang angkan.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0\u00a0 &#8220;Bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin naghihiganti ang pamilya ni Mosaab?&#8221; tanong ni Maimona. Matagal bago sumagot si Amer.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Marahil dahil mas mabigat pa rin sa kanila ang tunay na kahulugan ng <em>maratabat<\/em> kaysa sa galit.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Napatingin sa kaniya si Maimona.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Ang <em>maratabat<\/em> ay hindi lang dangal. Ito rin ang nagpapaalala kung kailan dapat magtimpi.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Tahimik silang nagkatinginan.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Maya-maya&#8217;y nagsalita si Amer.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Tayo ang nakakita sa nangyari.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Tayo rin ang nakaaalam kung paano nagsimula ang lahat,&#8221; dugtong ni Maimona.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Ano ang gagawin natin?&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hindi agad sumagot si Maimona. Pagkaraan ng ilang sandali ay marahan niyang sinabi,<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Kapag nanahimik tayo, baka mas marami pang buhay ang mawala.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Nagpasya silang puntahan ang pamilya ni Farouk. Isinalaysay nila sa mga magulang nito ang lahat ng kanilang nasaksihan, kung paano nagbibiruan ang dalawang magkaibigan, kung paanong hindi nila inakalang ang isang sandaling laro at kapabayaan ay hahantong sa trahedya.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Hindi nagtagal, ipinatawag ang mga datu ng kanilang angkan. Tahimik na nakinig ang <em>palokelokesan<\/em><em> sa kanila<\/em>. Hindi siya agad nagsalita. Nang matapos ang lahat ng salaysay, marahan lamang siyang tumango. Sa kanilang angkan, sapat na ang isang tango ng pinakamatandang datu upang maunawaan ng lahat na dumating na ang oras ng pagpapasya.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Kasunod nito ay naiharap din ang kuha ng CCTV mula sa bahay na malapit sa pinangyarihan. Hindi malinaw ang bawat detalye, ngunit sapat ang mga larawang iyon upang pagtibayin ang salaysay ng mag-asawa. Unti-unting luminaw ang katotohanang ikinukubli ng takot at ng galit.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Nagpatuloy ang pagpupulong. Tinalakay nila ang mga aral ng Islam tungkol sa katarungan, pananagutan, at pagkakasundo. Nagkaisang handa silang akuin ang pananagutan at ilapit ang usapin ng <em>diyah<\/em> (<em>blood money<\/em>) sa mapayapa at marangal na paraan, alang-alang sa dalawang angkan at upang wala nang panibagong dugong dumanak.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Iginagalang ng buong angkan ang <em>Palokelokesan<\/em>. Hindi lamang dahil siya ang pinakamatandang datu, kundi dahil kilala siyang <em>maongangen, <\/em><em>na <\/em>maingat magsalita, matalas mag-isip, at marunong maglapit ng mabibigat na usapin nang hindi nakapagdaragdag ng sugat sa puso ng kausap.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Sa tulong ng isang iginagalang na kamag-anak na may ugnayan sa magkabilang angkan, napagkasunduan nilang ilapit ang usapin sa mapayapang paraan. Hindi pa nila pag-uusapan ang lahat. Ang una nilang layunin ay maiparating ang kanilang pagpapakumbaba at ang kahandaang akuin ang pananagutan, kabilang ang <em>diyah<\/em>, ayon sa kinikilalang kaugaliang Meranaw.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Buo ang pasya ng mga datu. Dala ang mabigat na pag-aalala at tahimik na pag-asa, nagtungo sila sa bahay nina Karim. Pagdating nila, unang nagsalita ang tagapamagitan na kamag-anak ng magkabilang panig. Maingat niyang ipinaliwanag ang layunin ng kanilang pagdating. Nang matapos siya, marahang tumayo ang <em>Palokelokesan<\/em>. Hindi siya nagtaas ng tinig. Hindi rin siya nagmadali.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Ang pagdating namin dito,&#8221; aniya, &#8220;ay hindi upang ipaglaban ang aming sarili, kundi upang ipakita ang aming pagpapakumbaba. Alam naming mabigat ang sugat na iniwan ng nangyari ngunit nalaman na ninyo marahil na ang lahat ay aksidente. Kung hindi man ninyo kami pauwiin nang may kapayapaan, tatanggapin namin iyon. Ngunit umaasa kaming bibigyan ninyo kami ng pagkakataong mailapit ang katotohanan at akuin ang aming pananagutan.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Tahimik ang buong silid. Nagpatuloy siya.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Ang tunay na <strong><em>maratabat<\/em><\/strong> nating mga Meranaw ang nagbibigay ng kompas sa atin sa bawat pasyang ating ginagawa. Kapag galit lamang ang pinakinggan natin, maliligaw tayo. Ngunit kapag tunay na <em>maratabat<\/em> ang umakay sa atin, maaabot natin ang katarungan nang hindi na kailangang magdagdag pa ng panibagong bangkay. Ang <em>maratabat<\/em> na naghahanap ng dugo ay galit lamang na nagbihis ng dangal.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Walang nagsalita. Sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang trahedya, hindi galit ang namayani sa loob ng bahay, kundi katahimikang naghihintay kung ano ang magiging tugon ng kabilang angkan.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Muling nagpulong ang mga datu at matatandang lalaki sa panig nina Farouk. Matapos ang mahabang katahimikan, may isang matandang tiyuhin ang marahang nagsalita.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Kung tunay nating nais na matapos ang lahat, hindi lamang <em>diyah<\/em> ang dapat nating ilapit.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Napatingin sa kaniya ang lahat.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;May isa pa tayong pangakong hindi natuloy.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Walang sumagot. Alam na ng lahat ang kaniyang tinutukoy na bago pa nangyari ang trahedya, ilang ulit nang napag-uusapan sa loob ng pamilya ang pag-akyat upang <em>mamalae<\/em>. Hindi iyon bunga ng biglaang pasya kundi matagal nang balak ng magkabilang angkan. Ang ipamamanhikan sana nila ay si Farouk sa pinsan ni Mosaab, si Hania.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Napayuko si Farouk. Parang muling bumalik sa kaniya ang huling mga araw bago nagbago ang lahat.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Kapag naging magpinsan na tayo,&#8221; natatawang biro noon ni Mosaab habang umiinom sila ng <em>softdrinks<\/em> sa tindahan nina Amer at Maimona, &#8220;huwag mo nang paiiyakin ang pinsan ko.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Nauuna ka namang magplano,&#8221; natatawang sagot ni Farouk.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Huwag kang mag-alala,&#8221; dagdag pa ni Mosaab habang tinatapik siya sa balikat. &#8220;Ako na ang bahala, kakampi mo ako.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Iyon ang huli nilang biruang magkaibigan. Napapikit si Farouk. Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata na para bang umaasang mabubura ang alaalang iyon. Ngunit lalo lamang itong luminaw.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Tahimik ang buong silid. Maya-maya&#8217;y nagsalita ang <em>Palokelokesan<\/em>.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Hindi ngayon ang panahon upang pag-usapan ang kahulugan ng <em>maratabat<\/em>.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Huminto siya.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">&#8220;Ngunit darating ang araw na kailangan nating piliin kung alin ang ating ipamamana sa mga susunod na salinlahi, ang <em>rido<\/em>&#8230; o ang pagkakaisa.&#8221;<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Sa ibabaw ng mesa ay nakapatong ang isang <em>tasbih<\/em>. Sa labas, patuloy na umiihip ang hangin.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Walang nagsalita. At sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang trahedya, ang salitang <em>mamalae<\/em> ay hindi na lamang tungkol sa pagbuo ng isang pamilya. Maaaring iyon din ang huling pagkakataong mailibing ang <em>rido<\/em> bago pa ito muling maghanap ng panibagong bangkay.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Sa di kalayuan, naglalaro ang ilang batang hindi alam ang bigat ng mga pangalang dala ng kanilang mga ama.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Huminto si Jafar. Tiningnan niya ang puntod ni Mosaab. Pagkatapos ay marahang lumingon kay Farouk. Hindi sila ngumiti. Hindi rin sila nagkamay. Ngunit wala ring humawak ng baril.<\/p>\n<p style=\"text-align: justify;\">Sa unang pagkakataon matapos ang maraming linggo, walang nagbantay sa kanilang mga likuran. Tanging ang hangin ang dumaan sa pagitan nila. At marahil\u2026iyon ang unang araw na hindi na humingi ng panibagong bangkay ang katahimikan.<\/p>\n","protected":false},"excerpt":{"rendered":"<p>Almayrah A. Tiburon Hindi na kailangang itanong kung sino ang bumaril. Alam ng buong bayan. Ang hindi nila alam ay kung sino ang susunod na mamamatay. Hapon pa lang, nagsara na ang mga tindahan. Ang mga traysikel ay hindi na &hellip; <a href=\"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/maratabat\/\">Continue reading <span class=\"meta-nav\">&rarr;<\/span><\/a><\/p>\n","protected":false},"author":1,"featured_media":0,"comment_status":"closed","ping_status":"closed","sticky":false,"template":"","format":"standard","meta":{"_jetpack_newsletter_access":"","_jetpack_dont_email_post_to_subs":false,"_jetpack_newsletter_tier_id":0,"_jetpack_memberships_contains_paywalled_content":false,"_jetpack_feature_clip_id":0,"_jetpack_memberships_contains_paid_content":false,"footnotes":"","jetpack_post_was_ever_published":false},"categories":[29],"tags":[],"class_list":["post-7259","post","type-post","status-publish","format-standard","hentry","category-fiction"],"jetpack_sharing_enabled":false,"jetpack_likes_enabled":false,"jetpack_featured_media_url":"","_links":{"self":[{"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7259","targetHints":{"allow":["GET"]}}],"collection":[{"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/posts"}],"about":[{"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/types\/post"}],"author":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/users\/1"}],"replies":[{"embeddable":true,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/comments?post=7259"}],"version-history":[{"count":1,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7259\/revisions"}],"predecessor-version":[{"id":7260,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/posts\/7259\/revisions\/7260"}],"wp:attachment":[{"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/media?parent=7259"}],"wp:term":[{"taxonomy":"category","embeddable":true,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/categories?post=7259"},{"taxonomy":"post_tag","embeddable":true,"href":"https:\/\/bangsamororeview.com\/main\/wp-json\/wp\/v2\/tags?post=7259"}],"curies":[{"name":"wp","href":"https:\/\/api.w.org\/{rel}","templated":true}]}}