Contributors (Issue 8)

Abdul Majiid K. Abdul Azis is a College Instructor specializing in History, recognized for his insightful writings under the pen name “Abdul Abdul”. With a Master’s degree in History, Abdul has contributed significantly to the literary world, showcasing his talent through various publications. Some of his works can be found in  “The Aftermath: A Struggle for Survival” (2022), “Nowhere Near Home” (Stripes Literary Magazine: Issue 1 Vol. 2, 2022), “Freedom” (TalesFromTheOtherLand Group, 2021), “Coast to Coast” (2020), and “Tales and Twists” (2019).

In 2024, Abdul continues to expand his literary footprint with notable contributions. He is featured in “Echoes in the Wind” (Written Tales Chapbook XIII, June 8, 2024), selected for “All Your Poems Magazine” (June Issue, The Writers Publishing Company, June 1, 2024), and is a contributor to “The Mountain was Abuzz: Poems of Himalaya: an Anthology” (Sabre & Quill Publishers, May 19, 2024). His other works as a contributor can be read in “Whispers of the Heart” (June 2024), “Otherwise Engaged Literature and Arts Journal 13th Edition” (June 2024), “Highland Park Poetry” (July 2024), and “Lacuna Magazine” (October 2024), and The Literary Magazine (December 2024).

Abdul’s writing deeply engages with themes of identity, displacement, and the human condition, resonating with readers across diverse literary platforms.

Sheilfa B. Alojamiento began writing for Moro Kurier and National Midweek in the wake of the post-February movement. She took up AB Political Science in Mindanao State University in Marawi and finished AB English in Silliman University in Dumaguete.

Hanin A. Ayaown is a student of the Mindanao State University-Main Campus in Marawi City.

Joross Michael D. Bongcarawan is a fourth year Secondary Education student at Mindanao State University-Marawi, majoring in English. He is passionate about teaching as it has been his dream since he was a kid. He wants to be an effective educator both in Western and Islamic education, imparting beneficial knowledge to learners that will help them better navigate the complexity of today’s world. He aims to make a great contribution to the community through teaching. His interests include writing poems, short stories, and journals.

Norhasnie Curo is a fourth-year student pursuing a Bachelor of Arts in English Language Studies at the College of Social Sciences and Humanities, MSU-Marawi. A writer and a language researcher with a particular focus on Meranaw and English in court discourse, she is currently conducting a sociolinguistic analysis of legal English. She aspires to become a full-time writer and a professional linguist that will contribute to the preservation and promotion of Meranaw through research and community-based language initiatives.

Nelson Dino is engaged in writing poetry, short stories, narratives, novels, and song lyrics in different languages. In addition to serving as a history and language faculty member at the College of Arts and Sciences (CAS) at Mindanao State University Tawi-Tawi College of Technology and Oceanography, he is tasked with being the director of the Cultural Affairs Office (CAO), supervising the Tambuli Cultural Dance Troupe, Gusi Lumba Music Guild, Dolphin Ambassadors, and University Marching Band.

Neshrin M. Macabago, 22, hails from Pindolonan, Saguiaran, Lanao Del Sur. She is currently a 3rd year English major at Mindanao State University – Marawi.

Mohammad Ammar G. Mangondato is a Meranaw youth and a Magna Cum Laude BS Psychology graduate from Mindanao State University-Marawi, where he was honored with the College Writer of the Year award in 2024. He actively engaged in extracurricular activities as a youth volunteer, student leader, campus journalist, student peer counselor, and youth parliamentarian during his college years. Writing, whether technical or creative, serves as his ultimate form of self-expression and a powerful medium for empowering the voices of the unheard. He aspires to influence the future and teach the values of kindness and hope to the younger generation through his simple yet meaningful works. In addition to writing, he finds solace in community work, particularly within underprivileged sectors, and has been a volunteer at the Al-Barizeen Foundation since 2022.

Nathara M. Mugong is a Sama from Simunul, Tawi-Tawi. She is a graduate of Ateneo de Zamboanga University with a Bachelor of Arts in English Language Studies.

Sittiehaya Lininding Omar is an Islamic Banking and Finance student of the Mindanao State University-Main Campus in Marawi City.

Almayrah A. Tiburon is a native Meranaw writer from Mindanao State University, Marawi City. She composed the official school hymn of Philippine Integrated School Foundation (PISF). Two of her books on fiction Terminal 1 and Terminal 2 have e-book versions aside from printed ones. Her works have been published in respected periodicals and anthologies such as Umaalma, Kumikibo, In Certain Seasons: Mother Write in the Time of Covid, Likhaan: The Journal of Contemporary Philippine Literature, Aruga: Mga Sanaysay ng Pagtanggap at Paglingap, Ani 40: Katutubo where she served as the editor of the Meranaw section of this book, BioLente: Mga Bagong Katha sa Danas ng Dahas at BanwaLaoanen:  Kababaihan/ Digmaan/ Kapayapaan, CNN Philippines’ Best Books of 2018 Lawanen 2: Mga Alaala ng Pagkubkob which she also served as editor of this book, Mga Haraya ng Pag-igpaw, Bangsamoro Literary Review, Liwayway, Danas: Mga Pag-aakda ng Babae Ngayon which was named among The Best Filipino Books of the 2010s by CNN Philippines, Likhaan’s Dx Machina: Philippine Literature in the Time of COVID-19, Sulatan sa Panahon ng Pandemya, Mindanao Harvest 4: A 21st Century Literary Anthology, and Asymptote Journal. She is the author of Thotholan: Mga Alamat at Pabulang Meranaw, and Salamin At Iba Pang Panglaw which was among the Top 5 finalists for the Best Books of Short Fiction (Filipino) in National Book Awards 2019. Her literary interests also cover the folk literature of the Meranaw people. She wants to encourage Meranaws and other Mindanaoans, whose voices are seldom heard in the literary scene, to write about their sentiments and be published.

Mohannad Daguit Ules is a Maguindanaon journalist and storyteller from Bugawas, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte. His work spans writing, multimedia, and policy advocacy, with a deep engagement in narratives that inform, challenge, and inspire. A former Editor-in-Chief of The Torch, he has earned national recognition in news, science writing, and copyreading. Beyond print, he explores filmmaking and visual storytelling, including editing the short film Battle of Tampakan in 2018.

 

 

3 Poems

Abdul Majiid K. Abdul Azis

Lake Dwellers

The lake glimmers like a mirror,
reflecting the sky, the clouds,
and the lives of the Maranao people.
Their homes, elevated on stilts,
resemble birds resting on reeds,
gently swaying on the water’s surface.

Children’s laughter fills the air
as they jump from wooden platforms,
splashing into the cool depths
where tales of the Sarimanok and the Hikayat come alive.
The women, with their skilled hands,
create intricate patterns that echo the lake’s shimmering beauty.

The men, adept fishermen,
cast their nets wide,
gathering the lake’s bounty to feed their families.
The lake serves as their lifeline,
a source of nourishment and inspiration.

As evening falls, the sky ignites with color,
and the lake becomes a canvas
painted in shades of orange and purple.
The Maranao gather on their balconies,
sharing stories and songs,
their voices harmonizing with the soft sound of the waves.

The lake stands as a quiet observer of their lives,
a timeless connection between the people and the water.

Lake and Mountain

Two brothers, born of the same mother,
ventured far from their family home.
One, captivated by the glistening water,
made his home by the lake, his heart aglow.

He beheld in its depths a tranquil life,
a wealth of fish and a fertile land.
He raised his house on stilts, out of sight,
a refuge amid the gentle rain.

The other, longing for the ancient trees,
the rustling leaves, the mountain breeze,
ascended higher, where the cool air frees
the spirit from the comforts of the lowlands.

He discovered peace in the vibrant green,
a hunter’s life, a freedom profound.
He built his home where the forest shines,
a life woven with nature’s dreams.

And so, the brothers chose their paths,
one by the lake, one in the mist.
The Maranao, blessed by the water’s grace,
the Higaunon, thriving in the mountain’s embrace.

Though fate had led them apart,
their shared lineage remains forever.
A bond unbroken, though hidden from view,
children of the same mother, at peace. 

Will Sarimanok Ever Grace Mindanao Again?

When will Sarimanok, with its vibrant wings,
bring its grace to this land, so weary and blue?
When will its cry, a sweet melody that sings,
quiet the guns and heal the streets anew?

Sarimanok, a legend, a mythical sight,
a symbol of freedom, shining ever bright.
Peace, a fragile bird, elusive and rare,
longs to take flight but finds itself ensnared.

By shadows of conflict and whispers of dread,
by the echoes of war that linger instead.
The people of Mindanao, with hearts so sincere,
yearn for the moment when peace will appear.

When Sarimanok lands, with fish in its beak,
a symbol of abundance for all souls to seek.
When harmony thrives and justice prevails,
and the song of peace forever entails.

Kappar-Kappar Palantung

Nathara M. Mugong 

For my brave little Thara

(Sinama-Simunul original poetry)

Mili ma jambatan,
nengge kami tallungan,
nakat kappar
tudju ni Sambuwangan.
Dasehean’ baanan aa sukudan:
mag usaha,
mag pasiyar,
saga mag tulak ni pangiskulan.

Pag soddop mata ullow,
putput atiyup, “Toot-Toot!”
sinyas kappar sekot na pasuhut.
Angalembe, anakkop, abehot;
lamud na galak maka susa,
pasal magokat na,
palakkat na min bihing bey katanaman.

Taabutan kami ma tangnga sallang tonga bahangi,
ni turul sahaya bulan maka mamahi.
Saga aa halam magtuli,
sakahaba kasangoman,
magsuli-suli.

Subu pabuka’, paanda kalibutan.
“Minga na kita bi tongod?”,
panilow ku ni pagbalik-balikan,
ni sussa ya baanan lahat talabayan,
si ngissa si Inah ya Bud Duwa Bullud,
patanna sekot ni pu’ Basilan.

Teybaliyu warta bilu,
maka tahik landu tallak
agon tapatandingan ku;
minsan aku minga-minga katudju,
tatau ku sigam tahun labey tahun masi takila ku.

Maingkan sallang landu lawak na
maka sollog palaran mbal niya hondongan na;
waktu maglabey,
ginisan kappar ma tahik iti magsulabey.
Sabannarna talow aku labbey,
ni gawi ku mba aku makasempey.

Pagtulak bey ni pagbeyaan
minaan ma jambatan mba na bey kabalikan.
Pandang mata ku na ya taytayan,
nunggu duwa alam.

Tiyup-tiyup baliyu,
ma kuwit ku patapu,
pangentoman bey tagna’ si lae pabayang ma aku.
Saddopan mata ullow maka timpu bey dahu,
dasali du ni kabayaan le’ ku.

 

A Small Boat Floating
English Translation

At the dock,
stood the three of us,
boarding a ship
bound for Zamboanga.
Among us were fortunate individuals:
some seeking livelihood,
others on vacation,
and those pursuing their education.

As the sun dipped below the horizon,
the ship’s horn blared, “Toot-toot!”
signaling its imminent departure.
There were waves, hugs, and the struggle of heavy luggage;
excitement mingled with worry,
the fear of separation,
of being adrift from familiar shores.

We reached midnight in the middle of the sea,
guided by the moonlight and stars.
Many could not sleep,
and the night was spent
exchanging stories.

Dawn broke, revealing the landscape.
“Where are we?”
I repeatedly asked,
curious about the islands we had passed.
Inah would recount the tale of Bud Duwa Bullud,
near the island of Basilan, where it stood.

The sky was blue,
And the water so clear,
I could almost see my reflection appear;
no matter where my journey may steer,
I would recognize them, year after year.

Yet, the ocean is vast,
with its ceaseless currents;
time had marched on,
with different ships traversing these waters.
Honestly, I am scared I might stray,
fearing that I will never reach my way.

The journey we once shared on this dock
would never be replicated.
My eyes beheld the bridge,
connecting two distinct realities.

The wind,
caressing my skin,
awakened a flood of memories within.
Sunsets and the days that have passed,
For both, I am yearning.

So Tiyoba sa Gahil

Mohammad Ammar G. Mangondato

“…Di katawan o madakel a giya man e titho a tiyoba sa Gahil!”.

Aden a isa ka pamilya a langon pamomolong a sii  miyagintaw sa inged a Gahil. Siran so pamilya a Mangatha, a aya mababaloy a pekabolosan o manga tao sa Gahil a tatalogedam sa pitibarangan a paniyakit. Giya a pamilya a Mangatha na titho den ko mala so gagaw iran ko kipakareregenan ago mala so panagontaman iran asar bo a kaogopan iran so maginged. Igira aden a kiyabolongan odi na minikimosawir kiran na daden a paganginen iran a perak odi na apiya antonawnon a mabaloy a sambi ko kiyaogop iran ko manusiya. Aya bo a antap iran na mawsar iran so ilmo iran a panabang sii ko makakikinanglanon.

Miyakaisa a masa na miyasugat a mala a paniyakit a inged a Gahil. Tanto a madakel a gomidam sa sakit. Sabap roo na diden khaompas so phamakibolong sa pamilya Mangatha. Sa kadakel o taw na di phakaato siran oto a pat ka taw a pamomolong- so kharomai a si Siddiq ago si Saliha, ago so wata iran a kambal a si Sofyan ago si Soraim. Apiya siran bo I phakagaga mamolong sa gini a misasamblay a sakit na di siran phakaato sa kadakel a kiyaogalinan sa giya a sakit.

Ko soled a sawlan na mas mindakel so miyasakit. Rumiyaot sa labi magatos ka taw so da magaga kabulungan a kiyasabapan sa kiyapatay iran. Madakel a miyakandarasag sangkoto a masa. Si Kadibah na isa ko manga taw a romiriit sii ko manga Mangatha. Thito niyan a ipkhaguwad a mga Magatha ka lalayon siran di mapodipodi ko mga galebek iran sa Gahil. Aya ngena iyan mambo na kabantogan sa datar o kababantogi ko pamilya a Mangatha sa miyathay a masa. Sa giya a miyaolaola na miyandingandingan iyan a mapiya aya a magosaren a tothol a pangibarat ka an ikagowad o maginged so manga Mangatha.

Tominibaw si Kadibah ko isa ko manga piyatayan sa wata a so kharumai a si Tukod ago si Karbala. “Aydow! Bapa, ante, kataya a miyakatalingoma ako ka tanto den a miyarata a ginawa ko inako maneg aken a mindod sa limo o kadnan so da rowaron a wata iyo,” kabasa e Kadibah. Di phakasembag so kharumai sa tanto a diran dikapakamboko sa rakes a phangarororo so manga lo i Karbala, ina i Mujahid. “Naoh ante, pakasorgaan o Allah si Mujahid. Isana den aya malipedes a minitiyoba rektano. Opama ka da nedaraynonen o manga Mangatha si Mujahid na imanto na mapipiya a ginawa niyo. Mataan ka matitho ka benar den so negneg sa Gahil a phisamili iran bo so piyanisakitan iran piyapiya ka so bo so manga pembayad kiran sa masolen.” Malo miniramig a kiyapamiyagi e Kadibah sii ko karomai taman sa tomiyaros peman ko ped a manga pamilya a makamboboko.

Madakel a piyatayan a miyakaneg sangkoto a tothol. Aden pen a miyakambalebaleson a di thibabaan o manga Mangatha a di iran kambolongi piyapiya ko ped a pamakitabang kiran. Na so manga piyatayan a pamilya na mimomosawira siran sa baden pakaawaa so manga Mangatha sa Gahil. Aden a somiyopak sangkoto a pamikiran ogaid na so kalilid na makaaayonon. Da pangaathay na miyakawma angkoto a katharo sii ko Pamilya a Mangatha. “Hay amakulay! bangka da maneg so minilangkap a tothol? A pithibaba tano kon a da tano kasiyapa ko manga pamilya iran,” pitharo e Sofyan. Inisompaton pen i Soraim, “Ama, madakel kon den man a miyakapiker sa solasogen iran a walay tano misabap sa genan a kabasa e Sofyan. Phakaawaan tano iran sa Gahil.” Aya bo a miyatharo e ama iran na, “Giya so masa a saden sa pimbasa iran sii reketano na di patot oba tano tomareg ka makikinanglan tano pen o inged tano.”

Da siran den pamimikiran sa mathay ka kinanglan so kaphamolongi iran ko ped a masasakit. Tanto a maregen ko manga Mangatha a diran di kapamolong sa daden a oba niyan bayad, go di pthoon so bager iran. Aya pen a mala a inikharata a ginawa iran na so mebarambarang a manga sasakit a tothol ago katharo a pekioma kiran. Misokayaw den mambo so maginged sabap ko di benar a antangan i Kadibah. Sa giyangkoto a tanto a kararata a ginawa o madakel na miyangonoton mambo so rarangit iran. Miyawma so gawii a kasolasog iran sii ko walay o manga Mangatha. Aya ngena o kadakelan na tarotop den a mapakaawa iran siran a kapapantagan a di manisakit ko kitatalogdam. Mala a ipekhararangit iran na so diden kaphakababa o bilangan o pekhada kiran sabap ko bager o paniyakit a di ron pakatiyokop a tarotop so panagontaman o manga Mangatha. Soden so maginged i miyakatalingoma sa liyo a walay o manga Mangatha. Sosokhayaw so manga tao sangkoto a masa. “Pamangawa kano sa Gahil! Sekano e kiyasabapan sa kiyapatay o manga pamilya ami.” masarangit a inilalis i Tukod. Ped sa di khakaleka sa Gahil si Tukod sabap ko karangit ago kabager iyan a mama.

Salakaw den a kaphakailay o madakel sii ko manga Mangatha. Salakaw so dimelalis, so dimamagita, ago so dinggogoraok sa mala. Apiya den i dikapanagontaman o manga Mangatha na miyategel den a kapagawa iran. “Di niyo den pamolongi a genan a pangasasakit a pagari ami ka di ami thomoon oba siran mamatay sa tangan niyo. Ilaya niyo man a miyasowa ami aya,” kabasa i Kadibah a makatatalingoma mambo. Magaan sa magaan na miyakapaninimo so pamilya ka magawaan iran angkoto a inged. “Ona kano den, ka aya mataan benar na diko den kharaw oba ko awai a manga bangsa tano aya. Opama ka awaan tano siran langon na di ko den katawan i khasowa iran. Antaa den i phamolong kiran?” pitharo e Siddiq ki Saliha ago so manga wata iran.

Kiyapasadan iran na aya bo a pethalimbagak na si Siddiq ka o titho sekaniyan a pemarataan o manga tao sa Gahil na aden pen a lamba a makaphamolong kiran. Tanto a masakit ki Saliha ago so dowa a wata iran a kapagawai iran ki ama iran. Tarotop mambo a siyoledan o manga tao so torogan iran na rakes a diyakep iran si Siddiq. “Ino kapen da awa sa giyangkai a inged? Ba aya thomoon ka na kaomanan so phamatay rekami?” kabasa e Kadibah. Piyakaliyo iran si Siddiq na iiketan sa tali a lawas iyan. Sabap ko rarangit iran na pimbentola iran si Siddiq a manga titiwaro a giyoray na so sabaad na pilebada iran a manga ator na taman sa aya niyan den mambo inikawapat. Malo miyalokha so manga taw na kinowa iran so ped ko manga madaseg iran sangkoto a torogan na piyamakaphato iran si-i ko manga walay iran.

Sii ko miyakapera a olan na da iran mapaginengka na baden miyataketakep so miyasakit ago so pagendod kiran sa kapatay. Apiya antonaa den e sowaan iran na di den khaaren so kadakel iyan kenaba datar inako sisii sa Gahil so manga Mangatha. Tanto a miyakasendit so manga taw. Miyawma so masa a tanto den ko miyakasopiit so dikapagintaw sa Gahil. Gopen iran mapamiker a kenaba miyakaompiya a kiyabogawa iran ko manga Mangatha ago kiyabonowa iran ki Siddiq, Ago aya mala na so kiyapangonoti iran ko katharo a da oba niyan katantowan a miniyag ko rarangit o pagetaw. Kiyatokawan o madakel a so langon a pitharo i Kadibah na daden a benar ron. Pimbabanog sekaniyan o pagetaw ogaid na daden a thoonan iranon sa soled a Gahil. Tanto den ko mala so kiyapakasendit iran.

Sa obay a Gahil, na aden a inged roo a pembetowan sa Elim. Sa Elim miyagapas so karoma ago manga wata e Siddiq. Tanto den mambo a kiyapakakharata a ginawa iran sii ko masa a miyaneg iran a pinikibono si Siddiq. Siran bo i makakekenal ko titho a antangan i Siddiq sa  diniyan kapamolongi ko manga pangasasakit apiya daden a oba niyan bayad. Na apiya den i kararata a ginawa iran na da iran den maraw so manga pagetaw sa Gahil oba tarotop iran den a thalikodan. Miyakarampay kiran a katharo so miyawlaola a Gahil ago si di kiran di kambabanoga o manga pagetaw roo ka siran bo i mala a phakaogop kiran sangkoto a masa a kasakit. Miyangni so lamba a manga Mangatha sa tabang sii sa Elim na miyakaonot siran sa madakel a pamomolong nago madakel a awid iran a pagigimo a kinanglan ko kapamolong iran. Magaan sa magaan na milayalayag so miyangalalamba a Mangatha ago so miyangaiimbetar iran a manga pamamolong poon sa Elim taman sa Gahil. Katawan o pamilya a diran khagaga a siran bo ago da ba iran manga pagigimo a mapiya.

So rata a ginawa o pamilya na misoramig sii ko kapedi kenaba sii ko rarangit. Sii ko kiyapakatalingoma iran na tanto iran a minikapedi so masasaman o manga tao ago so kadakel a miyada kiran. Da phakaraw kiran makimbitiyara ki Saliha sabap ko mamala ago mala a kasendit ko kiyapangarasii iran ki Siddiq. Magaan sa magaan na inisogo i Saliha a kapamolongi ko madakel a manga tao a pangasasakit. Madilapet so kiyapakapiya o kadakelan ko manga tao sabap ko panabang poon sa Elim ago so gagaw a mapapadalem ko manga Mangatha. Tanto a mala a minipanalamat o manga taw sa Gahil ki Saliha ago so langon den a miyanabang kiran. Mitharo si Saliha sii ko pantag o madakel a tao.

Aya moripori ko katharo iyan na, “Tanto den a miyarata a ginawa aken ko kiyaoriyan o ama o manga wata aken. Ped rekano bo so miyangarasi rekaniyan ogaid na di patot oba ami talikodi sa taraotop ka atastanggongan ami a giya inged. Ka katawan ami so magegedam iyo sangkoto a masa. Kenaba sekami e mala a pakawgop go pakabinasa rekano. Matag kami baden dimamolong ka giyoto i kapasang a minibegay rekami o Kadnan. Mapakay a pekabolongan ami so pimbarang a paniyakit sa lawas. Ogaid na kenaba so manga antangan a ribat a aya niyaton na indadag ko pagtaw. Di katawan o madakel a giya man e titho a tiyoba sa Gahil!”.

 

Ang Sakuna sa Gahil
Salin ng “So Tiyoba sa Gahil” sa Wikang Filipino

            “…Hindi nila alam na ito ang tunay na sakuna ng Gahil!”

May isang kilalang angkan ng mga manggagamot sa Gahil. Sila ang pamilya Mangatha. Sila ang pinupuntahan ng mga taga doon kapag mayroon silang nararamdamang kahit anumang sakit. Malapit ang loob ng pamilya Mangatha sa mga taga Gahil lalo na sa mga taong pumupunta sa kanila upang magpagamot. Hindi sila tumatanggap ng pera o anumang anyo ng bayad para sa pagpapagamot sa kanila. Ginagawa nila ito nang bukal sa loob. Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay hindi nila pinanggigiit. Ang kaalaman sa panggagamot ang paraang alam nilang maitutulong sa mga taga-Gahil.

May isang nakalulumong pangyayari ang minsang dinanas ng mga taga-Gahil. Halos lahat ng mga residente ay nagkasakit na naging dahilan ng walang katapusang bisita sa tahanan ng mga Mangatha. Hindi makayanan ng mga Mangatha na gamutin lahat ng mga pasyente nila. Apat lamang silang manggagamot- ang mag-asawang Siddiq at Saliha, kasama ng kambal nilang anak na sina Sofyan at Soraim. Kahit na sila lamang ang may kakayahang gamutin ang sakit na ito ay hindi nila makayanang gamutin ang dami ng nahawaan ng sakit.

Mas dumami ang nagkasakit sa loob ng isang buwan. Umabot sa labing isang daan ang mga namatay dahil dito. May isang residente na matagal ng may hindi pagkagusto sa mga Mangatha. Dahil sa mahalaga ang pamilyang ito sa Gahil, ay malaki ang pagpupuri nila sa mga Mangatha. Kaya labis ang selos ni Kadibah na nagdulot ng pagkamuhi sa pamilya ng mga manggagamot. Gusto niyang kilalanin din siya at pahalagahan ng mga tao gaya ng pagpapahalaga nila sa mga Mangatha. Naisip niyang isang malaking pagkakataon ang mga nangyayari sa Gahil ngayon upang sirain ang prinsipyo ng mga manggagamot at kamuhian ito ng mga tao.

Nag-tibaw (pagbisita sa namatayan sa mga Meranaw) si Kadibah sa isa sa mga namatayan ng anak. “Aydow! Bapa, ante, nakakapanlumo ang sinapit ng nag-iisa ninyong anak. Kaya nang marinig ko ang pangyayaring ito ay agad akong pumunta sa inyo,” ani niya sa mag-asawang Tukod at Karbalah. Hindi na nila itong nagawang sagutin dahil sa sobrang paghihhinagpis sa nangyari sa kanilang anak. “Nawa’y tanggapin siya ng Allah sa kaniyang paraiso,”dagdag pa ni Kadibah na lalong itinangis ng ina ni Mujahid. “Isang malaking sumpa itong nangyari sa bayan natin! Kung hindi lang sana pinabayaan ng mga Mangatha si Mujahid ay hindi niya sana ito sinapit. Masaya sana kayo kung hindi lang nila inunang gamutin ang mga nagbigay ng mas malaking halaga. Pinili lamang nila kung sino ang mga gagamutin nila,” mga pagbibintang nito sa mga Mangatha. Ang mga panggagatong na ito ay umabot sa lahat ng mga binisita nitong mga pamilya na namatayan.

Maraming mga namatayan ang nakatanggap sa mga balitang ito. May mga nagsabi din na sinasadya ng mga Mangatha na hindi gamutin ang ilang pumupunta sa kanila. Kaya ang ilan sa mga namatayan ay nagtipon-tipon at nagkasundo na paalisin sa bayan nila ang mga manggagamot. Bagaman may mga tumututol sa usapang ito ay mas madami sa mga ito ang sang-ayon sa pagpapalayas sa mga Mangatha. Dumating sa mga Mangatha ang balitang ito. “Hay amakulay! Hindi mo ba alam ang mga naibalita tungkol sa atin? Na sinasadya daw nating hindi gamutin ang mga pasyente natin kaya namatayan sila,” sabi ni Sofyan. “Ama, may nagsabi din sa akin na isa sa mga araw a ito ay susulungin nila ang bahay natin dahil sa mga sinabing iyan ni Sofyan. Palalayasin nila tayo sa Gahil.” “Hindi ito ang panahon na patulan natin ang mga sinasabi nila. Mas kailangan tayo ng bayan natin,” tipid na sagot ng kanilang ama.

Hindi na nila masyadong nilaanan ng oras ang usaping iyon dahil kasalukuyan silang nanggagamot. Hindi man sila tumatanggap ng kabayaran ay mahirap pa din ang ginagawa nilang ito. Hindi rin sapat ang mga lakas nila sa kinahaharap nilang bilang ng mga pasyente. Sa kabila ng mga serbisyong ito, ay mas namayani para sa mga tao ang mga maling husga na ibinabato sa kanila ni Kadibah. Ikinalulungkot man nila ito ay wala silang magagawa. Dala ng pighati na naging poot ay mas marami ang mga taong naniwala sa mga husga sa mga Mangatha. Dumating ang araw ng pagpapaalis sa kanila sa Gahil. Maraming mga tao ang nagtipon sa labas ng bahay nila, galit na galit. “Umalis kayo sa Gahil! Kayo ang dahilan kung bakit namatayan kami ng mga mahal sa buhay!” pasigaw na sabi ng galit na si Tukod. Isa si Tukod sa mga kinatatakutan sa bayan iyon.

Naging iba na ang tingin ng mga tao sa pamilya Mangatha. Kung dati ang tinitingala sila ng mga tao, ngayon ay kabaliktaran nito. Nagsisisigaw, nagbabanta at ang ilan ay umiiyak nang malakas sa labas ng bahay nila. Hindi man bukal sa kalooban ay napilitan silang magdesisyong umalis na din sa bayan nila. “Huwag niyo ng ituloy ang panggagamot sa mga kapatid namin na nasa inyo dahil ayaw din namin silang mamatay gaya ng ginawa ninyo sa iba!” sigaw ni Kadebah na pinamumunuan ang mga tao. Papalabas na sana ang mga mag-iina ay biglang nagwika ang kanilang ama,”Mauna na kayo, dahil ang totoo ay hindi ko kayang iwan ang mga kababayan natin. Kung sakali mang umalis tayo ay sino na ang maaaring gumamot sa kanila?”, nilingon nito ang kaniyang asawa at ang kaniyang mga anak.

Napagkasunduan nilang pamilya na ang magpapaiwan ay ang kanilang ama na si Sidiqq. Dahil kung may gagawin mang masama ang mga ito sa kanila ay mayroon pa ding matitirang manggagamot sa pamilya nila. Lubhang masakit kay Saliha at sa kaniyang mga anak ang naging desisyong ito ni Sidiqq. Nang makaalis ang mag-iina ay eksaktong paglusob ng mga tao sa bahay nila at tinangay nila si Sidiqq. “Bakit hindi ka pa umalis sa bayang ito? Nais mo bang madagdagan ang mamatay sa amin?” sigaw ni Kadibah rito. Inilabas nila si Sidiqq na nakatali ang katawan. Sinalubong siya ng mga galit na tao saka pinaghahampas habang ang ilan ay pinagbabato ito na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay. Pagkatapos ay pinasok nila ang bahay nina Sidiqq at kinuha ang mga mahal sa buhay upang iuwi sa kani-kanilang mga bahay.

Sa ilang buwang lumipas ay napansin nilang mas dumami pa nang dumami ang mga nagkasakit at mga nangamatay. Kahit anong gawin nila ay hindi nila matitigil ang pagdami ng mga nahahawaan hindi kagaya noong panahong nasa kanilang bayan ang mga Mangatha. Sobrang pagsisisi ang nangingibabaw sa mga tao. Mas lalo nilang napagtanto na walang magandang naidulot ang pagpapalayas nila sa mga Mangatha at pagpapapatay kay Sidiqq. Lalo na ng pagpapaniwala nila sa mga kwento walang katotohanan na nagpaalab ng galit at pagkamuhi ng mga tao. Nalaman din ng mga tao ang lahat ng pagsisinungaling ni Kadibah. Pinaghahanap nila ito subalit hindi na mahagilap kahit saang bahagi ng Gahil. Tunay na pagsisisi ang nararamdaman ng mga taga Gahil.

Sa tabi ng Gahil ay mayroong isang bayang tinatawag na Elim. Sa Elim nagtungo ang asawa at mga anak ni Sidiqq. Lubha silang nanlumo       sa sinapit ng kanilang ama. Sila lang ang nakakaalam sa tunay na pagkagusto ni Siddiq na tumulong sa mga nagkakasakit. Bagaman namumuhi sila sa mga ginawa ng mga taga Gahil sa kanilang pamilya ay hindi pa rin maalis sa kanilang mag-alala sa kasalukuyang sinasapit ng kanilang bayan. Nakarating sa kanila na pinaghahanap ito ng kaniyang mga kababayan upang humingi ng tulong. Dahil dito ay humingi sila ng tulong sa mga taga Elim at nagpasama din sila ng mga katulad nilang manggagamot pati na din ng mga kakailanganing gamit sa panggagamot. Naglakbay ang pamilya Mangatha at mga kasamang manggagamot mula sa Elim patungo sa bayan ng Gahil.

Ang naramdamang pagkamuhi ay napalitan ng pagkaawa nang madatnan nila ang sitwasyon ng Gahil. Sa dami ng nahawaan at nangamatay ay hindi maipaliwanag ni Saliha ang awa na nararamdaman nito sa mga taong lumapastangan sa asawa niya. Dahil sa hiya ay walang may kakayahang kumausap dito. Agad na ipinag-utos ni Saliha ang panggagamot sa mga tao. Mabilis ang paggaling ng mga tao sa tulong ng pamilya Mangatha at ng mga taga Elim. Hindi matapos-tapos na pagpapasalamat ng mga taga Gahil kay Saliha at sa mga kasama nito. Sa huli, nagwika sa Saliha sa harap ng maraming tao:

“ Sobrang nakagagalit at nakakalungkot ang naging katapusan ng ama ng mga anak ko. Bagaman alam ko, na kasama at narito ang mga lumapastangan sa kaniya ay hindi ko kayo magawang talikuran. Kasama kayo sa responsibilidad namin sa bayang ito. Hindi kami ang siyang tunay na makatutulong o makasisira sa inyo. Mga manggagamot lamang kami na siyang ibinigay na kakayahan ng Allah. Maaring magamot namin ang anumang uri ng sakit ngunit hindi ang mga baluktot na paniniwalang nagdudulot ng lason sa utak ng sangkatauhan. Na hindi alam ng karamihan ay siyang tunay na sakuna ng Gahil!“

Daigdig ng Isang Ina

Almayrah A. Tiburon

Momento ito ng pagninilay-nilay sa papel na dapat kong gampanan bilang isang ina habang nakatambad sa isipan ang patong-patong na gawain. Umaalingawngaw ang tinig ng puso; tinig tungkol sa pagsasakripisyo at pagtitiis, sakit at hirap, ngunit higit sa lahat ay pagkalinga, at pag-ibig na wagas at dalisay. Ina akong batbat ng pangitai’t misyon, pumpon ng luwalhati’t latoy, dahil nasang lumaking mabuti ang mga anak.

Hindi biro ang maging isang ina. May pagkakataon na ibig kong sumuko ngunit sa tuwing nakikita ang mga anak ay napapawi ang lahat ng pagod at sakripisyo at tumatapang ako. Lahat ng ina ay dumadaan sa pagkakataon na tila nauubusan na ng pasensya ngunit nagpapatuloy pa rin kumalinga at mag-aruga, na ang tunay ay maubusan man ng pasensya ay hindi marunong mapagod magmahal. Kailangan lamang habiin ang bawat minuto dahil lagi-laging naghahabol ng oras, na baka magising ang mga anak na natutulog at hindi magawa ang mga dapat gawin – maglaba, magsampay, magluto, maglinis, at marami pang iba.

Mahirap man sa simula dahil nababagbag sa maraming gawain at iniisip, ngunit alam kong makakaraos at malalagpasan ito dahil ano’ng mga hirap ang hindi kinakaya ng isang ina para sa kanyang mga supling? Pitong taong gulang na si Cozy, nasa Grade 1 na siya, masipag mag-aral at madaling turuan. Si King ay apat na taong gulang, makulit ngunit napakalambing. Samantalang si Precious ay magtatatlong taon at unti-unting nagkakaroon ng sariling pag-iisip, ng sariling pandama at pang-unawa sa paligid, ng unti-unting kamalayan. Darating ang panahon na silang tatlo ay marunong mag-isip, mamuna, magtanong, manggalugad, at nakahanda naman akong umalalay at gumabay sa kanilang paglalakbay.

Ang sangkap at salalayan ng ritmo ng pagkalinga ay nagmumula sa kaibuturan ng puso ng ina. Iminumustra ito ng aking puso at kaluluwa, ninanamnam at nilalasap ang sarap at pagtitiis habang maliliit pa sila sapagkat batid kong mangungulila rin ako kapag lumaki’t nagkaroon na sila ng sariling pamilya, na ako ang kasama nila sa kanilang kamusmusan ngunit sariling pamilya nila ang kasama sa aking pagtanda.

Kapag minamasdan ko silang tatlo na natutulog, binabalikan ko ang mga nangyari sa buong araw, natatawa na lang ako kung papaano pinagsasabay ang mga gawain; tagapakinig ni Cozy sa marami niyang kwento, napakalawak ng kanyang imahinasyon. Hinahabol ko naman si King na kung minsa’y pumupunta sa ilalim ng lamesa sa tuwing pinapakain. Gayundin kapag sina Cozy at King ay sinusubuan habang dinuduyan si Precious, binabantayan si Cozy sa kanyang pagguguhit habang nagkukulitan sa paglalaro sina King at Precious, sumusunod sa paghila ni Precious dahil may gustong ituro sa akin na mga bagay na napapansin nito habang may hawak akong libro na ibig kong tapusing basahin, nagluluto ako habang silang tatlo ay nagtatawanan sa kanilang pinanonood. Masyado pa silang maliliit at marami pa akong pagdadaanan. Naisip ko tuloy, nagkakaganito ako sa tatlong bata, ano na lang kaya yung mga inang higit pa sa tatlo ang anak?

Gusto kong gawing maging mabuting ina kahit mahirap naman talagang magpalaki ng bata lalo na kung may mga bagay na hindi sumasang-ayon sa gustong resulta, at marami pang ibang nangyayari na hindi kayang ilarawan bagkus buntong-hininga lamang ang naitutugon. Ang danas ko bilang isang ina ay ibig kong isatitik, isalin sa mga salita bago sagasaan ng rumaragasang mga taon. Kung minsa’y may mga kaisipan kasing lumilipad dahil tinatangay ng iyak ng tatlo kong anak na pagkatapos tumakas ay hindi ko na mabubuong muli, na mahirap nang mahagilap muli.

Sa lipunang ginagalawan ng mga ina, kung papaano pinalalaki ang anak ay may masasabi pa rin ang mga tao, na basta na lang nagkokomento base sa kung anong alam at nakasanayan nila. Ngunit nagpapatuloy pa rin ang mga ina dahil ang bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang laban, magkakaiba man ng pananaw at pagpapalaki sa anak, ang mahalaga ay ginagawa ang mga bagay na sa tingin ay ikabubuti ng mga anak, na maibigay ang tama at maayos na pangangailangan ng mga bata sa ngalan ng pag-ibig.

Tatandaan ko palagi na hindi ko ihahanda ang daan para sa kanilang tatlo bagkus ihahanda ko sila sa lalakaring daan. Hahayaan ko silang madapa sa daan, masaktan, at magkagalos upang malaman at mapahagahan ang tunay na ligaya. Hahayaan din silang lumabas sa gitna ng gubat at umahon sa pusod ng dagat upang mapuntahan ang katwiran at katarungan, at maranasan ang malayang mundo habang ginagabayan sila. Batid kong ang tanging nakakaunawa at nakakakilala sa tunay na kaligayahan ay yaong mga taong nakaranas ng hapdi at sakit.

Ang detalye ng damdamin at tibok at hininga ng aking puso’y walang laman kundi ang mga minamahal na mga anak, ang aking pamilya, na umiikot ang mundo ko sa kanila. May taong itinanong sa akin ng asawa ko kung sinong mas matanda sa amin. “Siya. Kaya nga Ate ang tawag ko sa kanya,” ang sagot ko na may kasamang sama ng loob dahil mas matanda sa akin ang tao ng sampung taon. “Kaya lang naman ako mukhang mas matanda sa kanya dahil ako ang ina ng mga anak mo.” Dugtong ko. At niyakap ako ng asawa ko nang mahigpit.