Mula Sa Gutom

Ahmadserany Kiram

Sa umaga,
ang pipiliing ulam ay gulay
hindi dahil iyon ang paborito,
kundi dahil kaya itong hatiin
hanggang hapunan.
Bawat subo ay pagtitipid,
bawat lunok ay pangarap na pilit binubuhay.

Sa loob ng silid-aralan,
nakangiti siyang nakikisabay sa tawanan,
ngunit hindi makapagpalibre
kahit minsan sa mga kaibigan.
Sa bulsa niya’y baryang kumakalansing,
kulang para sa luho,
sapat lamang para hindi tuluyang mawalan.

Kapag sumisikip ang tiyan sa gutom,
candy lamang ang kanyang kakampi.
Isang pirasong tamis
upang dayain ang kumukorap na sikmura,
habang pilit inuunawa ang leksyon
kahit ang isip ay hinihila ng pangangailangan.

Sa dormitoryo,
madalas may kumakatok sa kaniyang pintuan,
bitbit ang mumunting hiling na magpa-load.
Sa bawat numerong kaniyang sine-send-an,
unti-unti ring nadaragdagan ang kanyang allowance,
at nagkakaroon ng pangbayad sa xerox
ng mga handout na kailangan sa kinabukasan.

Maraming gabing pagod ang katawan,
ngunit hindi natutulog ang kanyang pangarap.
Sapagkat alam niyang ang hirap
ay hindi tanikala kundi hagdan
bawat baitang ay sugat,
bawat hakbang ay laban
patungo sa buhay na matagal niyang inaasam.

At dumating ang araw ng tagumpay.
Ang binatang dating kinakapos
ay ngayo’y matatag nang nakatayo.
Hindi man marangya ang kanyang naging daan,
ito nama’y hinubog ng sipag, tiyaga, at dangal.
Sapagkat ang tunay na tagumpay
ay isinilang mula sa mga panahong
halos mawalan na siya ng pag-asa,
ngunit pinili pa ring magpatuloy.

In Retracing A Memory and Bilu

Aleah Sulayman Bantas

In Retracing A Memory

there is a photograph of a girl in a white dress
inside an album, kept only by a plastic rack

I grew up remembering how to pick kapok,
separate the seeds, each one,
fruit in search of an embrace
in the verses of Mahmoud Darwish,
on a river dying of thirst.

After class of halaqah, reading the Qur’an,
a white face, eyes narrowed into a slit.
Into the echo of a daughter singing.

In such happenstance,
I do not mind being named after a flower,
for it holds a thought of tenderness,
the aftertaste of nectar on the tongue.
Not of conquests,
of peace agreements
typewritten in birth certificates,
taking shelter under an awning of coconut fronds.

Listen, I’m trying not to be a poet,
to the screech of a gunmetal,
a poet is nothing but a prey.


Bilu

 Cerulean in my native language
is only blue and no other names.
Bilu for the sky, for dye, for the sea.
For how we hold color,
and how it sits in my tongue—
the foreign names we want them to carry.
but all blues are made of one loveliness.
Before the rustle of ipil-ipil trees at dawn,
in glass washed pale by rain
and waves crashing.
In corals under shallow light,
I borrow colors
and watch them fall back
into one word. I have only bilu.

 

 

Mga Lihim sa Likod ng Ulap at Unan

Sherwin Anthony M. Nebit

Ang Orasan sa Dingding

Tik-tak, tik-tak,
Bakit ba nagmamadali ang mga kamay mo?
Gusto mo ba akong ihatid agad sa bukas,
O hinahabol mo lang ang kahapon?

Sabi ni Nanay, may mahiwagang madyik ang bawat segundo.
Kaya heto, nakatitig ako sa iyong mukha,
Inaabangan ang pagtalon ng susunod na minuto,
Sana, isama mo ako sa iyong pagtakbo.


Kung Saan Nagtatago ang mga Kulay

Kapag sumapit ang gabi at namatay ang ilaw,
Saan pumupunta ang dilaw ng araw?
Saan natutulog ang asul ng dagat?
Pumapasok ba sila sa aking mga mata
Upang maging pintura ng aking mga panaginip?

Huwag kang matakot sa dilim, bulong ng hangin,
Nakahiga lang ang mga kulay sa iyong gilid,
Naghihintay lang na muling magising.


Ang Unan Kong Ulap

Ang unan ko sa gabi ay hindi lang bulak.
Ito ay isang piraso ng ulap na nalaglag mula sa langit.
Kapag ipinatong ko ang aking pisngi,
Naririnig ko ang bulong ng mga ibong lumilipad.

Dinadala ako nito sa itaas ng mga bubong,
Nilalagpasan ang mga puno at kable ng kuryente.
Sa aking unan, ako ang kapitan
Ng barkong naglalayag sa kalawakan.


Ang Multo sa Kumot (Ay Pusa Lang Pala!)

May gumagalaw sa dulo ng aking kama!
Isang anino na may dalawang makinang na mata.
Pigil ang aking hininga, tago ang aking ilong,
Puso ko’y sumasayaw sa takot at kaba.

Ngunit nang maglabas ito ng isang mahinang… “Miyaw,”
Ay! Si Muning lang pala na naghahanap ng kayakap.
Ang takot ay parang bula,
Isang hipan mo lang, nawawala.


Ang Sikreto ng mga Bituin

May mga gabi na tila may ginto sa langit.
Sabi ng Lolo, ang mga bituin daw ay mga butas
Sa sahig ng langit kung saan sumisilip ang liwanag.
Ngunit para sa akin, sila ay mga alitaptap
Na napagod lumipad kaya kumapit na lang sa itaas.
Kumukurap-kurap, nag-uusap sa sariling wika,
Sinasabi nilang, “Matulog ka na, bata, bantay kami sa yong paggising.”


Ang Almusal ng Daigdig

Pagkagising sa umaga, amoy sinangag at tuyo.
Sumasayaw ang usok mula sa mainit na tsokolate.
Ang araw ay sumisilip sa bintana,
Gaya ng isang dilaw na itlog na niluluto sa kawali.

Ang umaga ay isang bagong pahina,
Masarap, mainit, at handang simulan.
Kakainin ko ang bawat sandali ng may ngiti.


Sa Likod ng Salamin

Sino ang batang nakatayo sa harap ko?
Kapag ngumiti ako, ngumingiti din siya.
Kapag kumaway ako, kumakaway din siya.
Gusto kong tanungin: Saan ka nakatira?
Mayroon din ba kayong aso sa loob ng salamin?
Pareho ba tayo ng iniisip ngayon?
Mahiwagang kambal na gawa sa liwanag,
Salamat sa pagiging kasama sa bawat umaga.


Ang Lihim na Wika ng mga Puno

Nakinig ka na ba sa kuwento ng mga dahon?
Kapag umihip ang hangin, nagbubulungan sila.
Shhh, shhh, shhh, ang sabi ng lumang mangga.
Sinasabi nila ang tungkol sa ulan na darating,
O kaya’y sa ibong nagtayo ng bahay sa kanyang sanga.
Hindi mo kailangan ng diksyunaryo upang sila’y maunawaan,
Sapat na ang tumahimik, pumikit, at makinig gamit ang puso.


Ang Baon Kong Pangarap

Sa aking bag, walang puwang para sa lungkot.
May kwaderno ako para sa mga drowing ng rocket ship,
May krayola para kulayan ang mga malulungkot na pader,
At may baon akong sandwich na gawa sa pagmamahal ni Nanay.

Ngunit ang pinakamahalagang baon ko ngayong araw
Ay ang aking mga “Bakit?” at “Paano?”

 

Katusan bun u para sa laki

Mona Blao Mapandi

Katusan bun u para sa laki, ka matuntul bun su lalan,
sa ‎malangyap den su mga pakasikut, na maawa bun su kan-dwadwa.
‎Katusan bun u para sa laki, ‎mailay ko bun su palitan nu tutulo, ebpawang kanu lalan, a naukol sa laki.‎

Katusan bun u para sa laki, ka lemumpak man su mga batalwan,
na maaden bun su kabagel nu kapet, a sabapan nu kagkapulo nu Iman.
‎Katusan bun u para sa laki, ka kadsabaran su kapangapa ko,
ka niya su Hikma a tutulo nu Allah, sa lalan a naka-Qadr.
Katusan bun u para sa laki, ka semalig ako kanu ukulan Nin,
apya ngin i kaaden na kabelalakaw, i layab endu guligaw.
Katusan bun u para sa laki, su lekanin a Rizqi sa laki, na tidtu a pedtaliman,
maayun bun su timpu, su pamusungan na baginam.‎

‎Katusan bun u para sa laki, ka langun bun na egkapya.
ka su limu nin na nyabun belibet sa laki, sa magabi, sa malmag.
Katusan bun u para sa laki, ka matun bun su lilintad nu manggiginawa,
matalima sa aden kapangalimbaban nin, su lugal a naumon sa laki.
‎Katusan bun u para sa laki,
malmu a labi lawan i kapya nin.

 

If It’s Meant For Me
Translation by the author

f it’s meant for me, a path will surely clear,
Obstacles will vanish, doubts will disappear.
If it’s meant for me, a guiding light I’ll see,
Leading me towards it, as decreed for me.

If it’s meant for me, though trials may arise,
The grip grows stronger, and faith will thrive.
If it’s meant for me, with patience I will wait,
Knowing Allah’s wisdom guides my destined fate.

If it’s meant for me, in His plan I trust,
Even if the journey seems long and rough.
If it’s meant for me, His blessings I’ll receive,
When time aligns, with all my heart, I’ll believe.

If it’s meant for me, all will be alright,
For His mercy surrounds me day and night.
If it’s meant for me, I’ll find peace within,
In humble acceptance, I’ll embrace my rightful place.

If it’s meant for me,
it will come with ease, and be what’s best.

 

May Buhay ang Syudad

Jevin Astillero


(Noong minsang napadpad sa Ground Zero, taon 2023)

Ang hayag na may patunay na may buhay ang syudad
ay ang mga bagay na naririnig nang walang nililikhang tunog;

Ang mga lumot sa pasi-pasilyo.
Ang nagsitaasang damo sa dating mga bakuran.
Ang bukas at wala pa ring takip na mga bintana’t pintuan.
Ang mga butas na pader.
Ang hungkag sa ilalim ng mga sahig.
Ang epistolaryo ng mga uka sa lumisang tagapangalaga.
Ang mga sumisilip na kalawanging kabilya.
Ang nakaburdang sugat ng mga edipisyo.
Ang butil ng ulan na walang pasabi ang pagpanhik
sa mga talulot sa paligid.
At ang bituin na bumibisita pa rin sa mahamog na umaga —
sa malamig na lupa.

May buhay ang syudad dahil may yugto ito ng kamatayan.
May buhay ang syudad dahil nakatakda ulit itong isilang.