Calocan East: Dalawang Tula

Aida Marohom-Manda 

Nang Magkakuwentuhan

Sa ilalim ng mapusyaw na ilaw sa Calocan East
Sinabayan namin ng kwentuhan ang gabing tahimik
May kani-kaniyang pwesto sa kusinang pang-outdoor
Seryosong nakikinig sa tsikahang hindi maputol-putol.

Sa isang natatanging panahon ng Hunyo uno
May mga karanasang nanumbalik, ikinuwento
Nakatatawa, nakagagalit, nakalalamang ang mapuso
Isang pagkakataong sa isip at puso’y tumatak, tumimo

Nabulabog ang buwan, sa kwentong may halakhakan
Kaya’t itinago nito ang ningning sa kalawakan
Nagkanlong siya sa ulap, sa kwentong may kalungkutan
Ngunit hagalpaka’y una sa samu’t saring kabaliwan.

Nang dumako itong kuwento sa usaping mag-asawa
Di maiwasang maiinis sa kapilas na kumaliwa
Maging ang bubuyog sa kuwentuha’y nakipiyesta
Paikot-ikot, bumubulong sa mga ilawang kakaiba.

Di pa man naghatinggabi, si Romer ay sumuko na
Nagpayakap na rin kaming dalawa sa kumot ni Edna
Pumuwesto naman sa kama sina Salma at Johaira
Sa higaa’y nagpatuloy ang kwentuhang inumaga na.

Maglaho man ang gabi, mga bituin ma’y mapawi
Ang mga kwentong mapuso, maaalala’t mananatili
Sa aming isip at puso maging sa buwang piping saksi
Mga aral na naikintal nawa’y maging gabay lagi’t lagi
 

Ang Puno sa Calocan East

Mabuway na ang dati’y matikas na puno
kayumangging sanga’y may
mumunting luntiang nakakunyapit
sa ilalim nito’y balag ng halamang ligaw, nakakapit.

Ang mga sangang idinuduyan ng hangin
ay may kilyawang pares na magkaulayaw
ang dulo ng mga sanga ay isinasayaw at
nagtatampisaw sa init ng araw.

Mandi’y mabuway na’y malayang tumatanggap
ng ilang panauhing kailangan ng kanyang lingap
kahit panandalian lang, mga sanga’y pahingahan
nilang mga naliligaw at kailangan ng tahanan.

Iyan siya, isang puno
pansinin-dili ay matatag pa ring nakatayo
sa gitna man ng ulan, unos, at bagyo
naging mabuway man ang mga sanga nito
nangalagas na rin pati mga dahong kulay ginto
siya’y patuloy na sandalan at pahingahan
nilang kailangan ng lingap at masisilungan
lilingap at pinupunan ang kakulangan ng karamihan.
Iyan siya, isang punong
mabuway ma’t matanda na
ang pagsisilbi sa iba ay walang kapara.

Naipong mga tula sa buwan ng Ramadan

Guian Dayang

I
Pagkatapos ng Aking Unang Libing

Sa unang mga linggo,
Ang tanging ingay ay lagitik ng yelo
Na gumuguhit sa dingding ng aking hukay.
Minsan, iniisip kong baka ginuguhitan ako
Ng isang batang hindi pa ipinapanganak—
Gumuguhit ng mapa kung saan ako natutulog,
O di kaya’y ng guhit ng isang ilog
Na matagal nang tuyo.

Natuto akong magbilang ng araw
Sa pag-init at paglamig ng aking mga daliri.
Natuto akong sukatin ang buwan
Sa pagitan ng dalawang pagsabog sa malayo.
At sa bawat tunog na iyon,
May kasunod na mabigat na halimuyak
—kalawang, abo, at sariwang dugo—
Na bumababa hanggang sa butas na ito.

May mga araw na nakikita ko
Ang isang sinag ng liwanag
Na dumaraan sa pagitan ng mga tabla sa ibabaw,
Parang mata ng isang nilalang na
Pinagmamasdan lang ako.
Hinahabol ko iyon gamit ang dila,
Pinapaitim ng laway ang yelo,
At tinutunaw sa bibig hanggang maging tubig.

Minsan, dumaan ang mga halimaw sa himpapawid.
Hindi ko sila nakita, pero narinig ko ang
Pamumulaklak ng hangin sa bawat pag-ikot ng propeller,
At ang mga talon ng putok
Na sumisilip sa pagitan ng ulap.
Naramdaman ko ang lupa na huminga,
At sa paghinga nito, may kasamang hiyaw—
Hindi na mahalaga kung sa bata o matanda.

Pagkaraan, nagdilim ang ibabaw.
Wala nang sigaw, wala nang yabag.
Ang natira na lang ay ang amoy:
Mga bagong punit na laman,
Mga ugat na kinalas sa lupa,
Mga butong kumakaskas sa isa’t isa.
Hinaplos ko ang kahoy sa paligid ko—
Malamig, magaspang, parang balat
Ng mga bangkay na nakapatong sa ibabaw.

Sa mga panaginip ko, bumababa ang Diyos.
Pero wala siyang mukha, wala siyang kamay.
Para lang siyang liwanag na hindi makalapit,
Na parang natatakot na madungisan
Ng putik at dugo.
Minsan, iniisip kong baka hindi siya Diyos,
Baka siya’y isa ring sundalo
Na hindi makahanap ng daan pauwi.

Lumipas ang maraming panahon.
Narinig ko ang tugtog ng isang martsa—
Mabagal, malamlam,
Mula sa mga trompa sa malayong lungsod.
May nagsabi, tapos na raw ang digmaan.
Pero sa ilalim, hindi natatapos ang mga tunog:
Ang patak ng tubig mula sa kisame,
Ang himig ng aking sariling hininga,
At ang mahina ngunit malinaw na
Paglagitik ng aking dibdib,
Parang relo na hindi marunong huminto.

Kung ito ang tinatawag nilang kapayapaan,
Baka mas mabuti nang manatili rito—
Kung saan walang mga mata
Na magtatala kung paano ka namatay,
Kung saan ang mundo ay wala nang hugis,
At ang tanging direksiyon ay pababa.

a

a

II
Ìgem

Sa isang dulo ng katahimikan
may matandang kamay
na parang ugat ng punong matibay —
tahimik na lumilok ng landas
gamit ang sinulid
Sa bawat hiblang kanyang hinahabi
may mundong tumatangging malimot.

Hindi ito basta paglikha
Ito’y isang panata
Sa kanyang mga daliri
may dasal na hindi binibigkas —
nakasilid sa pagitan ng hibla,
nakapulupot sa dulo ng kulay.

Kaya ang igêm ay hindi lamang banig.
Ito ang mga pangalang
hindi naisama sa aklat,
mga kuwentong hindi isinulat
kundi marahang tinahi
sa ilalim ng ilaw na kumukurap.

At bawat habi ay kasaysayan —hindi ginugunita
kundi muling panghinga
Kayumanggi ang lupa
na matagal nang nakikinig.
Pula ang alaala
ng mga gabing hindi natulog ang bayan.
Bughaw ang tubig
na patuloy na kumakalinga
kahit paulit-ulit ang paglimot.

Ang kanyang mga kamay ay tulay.
Sa pagitan ng noon at ngayon,
iginuguhit niya ang panahon
hindi gamit ang tinta
kundi ng sinulid
At sa bawat pagliko ng hibla,
may aral na marahang sumusulpot
na kahit ang babae ay marunong magbantay
ng apoy ng isang bayan.

Sa mga mata ni Estelita,
ang igêm ay anyo ng kanyang lupang minana —
isang mundong unti-unting tinatakpan ng ingay,
ngunit sa bawat banig may tinig na maririnig pa rin,
Narito kami.
Buhay pa kami.
Kaya siya’y hindi lang manlilikha
Tagapangalaga siya ng mga alaalang ayaw mag—patupi.

Estelita.
Hindi lang siya pangalan.
Siya ang igêm
na hindi kailanman matutupi —
sapagkat sa kanyang mga kamay,
ang bawat hibla ay panata,
ang bawat banig ay bayan.

a

a

III
Walang Paalam

Bukas
Ang pinto
Sarado
Ang usapan

Mabango
Ang hangin
Mapait
Ang gabi

Tuwid
Ang daan
Likô-likô
Ang loob

Mabilis
Ang mga hakbang
Mabagal
Ang tibok

Mainit
Ang kape
Malamig
Ang titig

Buô
Ang tinapay
Durog
Ang damdamin

Umuulan
Sa labas
Tuyo
Ang mata

Mabigat
Ang ula
Magaan
Ang katawan

Makulimlim
Ang langit
Maliwanag
Ang katotohanan

Puno
Ang bag
Wala
Nang dahilan

a

a

IV.
Bantay

May batang marunong
magpatahan
kahit siya mismo
ay inaantok pa.

Sa kaliwang balikat
nakasandal ang mas maliit,
init na hiniram
sa katawan niyang payat.
Hindi siya tinatawag
na ina.
Hindi rin ate
kapag may bisita.

Ngunit kabisado niya
ang oras ng gatas,
ang timpla ng iyak,
ang bigat ng katahimikan
kapag biglang tumigil
ang pag-ungol sa duyan.

Sa umaga,
habang ang ibang bata
ay nagbibilang ng pahina
sa silid-aralan,

siya’y nagbibilang
ng minuto
sa pagitan ng tulog
at gising.

May mga laruan
na hindi kanya
ang ingay.
May mga kwento
na hindi niya
masikmurang pakinggan.
At kapag napatahan na
ang batang karga niya,
sandali siyang tumitingin
sa bintana ng bahay sa tabi ng sapa —

parang may inaalalang
dapat sana
siya ang inaalagaan.

Pero tatawag na naman
ang maliit.
Muli,
iaayos niya ang buhat,
hihimasin ang likod,
at marahang sasabihin:

“Nandito lang.”
Na para bang
kaya niyang punuin
ang puwang
na hindi naman
dapat sa kanya.

a

a

V.
Ang Mahal ng Butil

Ang butil sa merkado
Ay mahal.
Bawat kutsara’y may presyo,
Bawat sako’y may kwenta.

Habang sa palayan,
Ay mura.
Wala nang bago,
Nakaumang ang lupa
Sa init ng araw,
Sa pawis ng kamay
Na hindi sinusukat ng salapi.

Ang paa ng magsasaka
Ay punong-puno ng alikabok,
Ang mga palad
Ay may marka ng taon ng pagtitiis.
Ngunit walang nagbibilang
Ng bawat hibla ng pawis na iyon.

Sa hapon,
May batang nagbibilang
Ng butil sa sako.
Maraming mata
Ang nakatingin sa lupa,
Maraming kamay
Ang naghihintay sa gatas ng lupa.

Ang merkado’y sumisigaw:
“Bayaran mo, bayaran mo.”
Ang palayan ay tahimik,
Ngunit sa bawat hangin
Ay may kwento ng pagtitiis,
Ng pasensya,
Ng buhay na lumalaban
Kahit walang kwenta sa papel.

At kapag gabi na,
Ang sako ng bigas ay nananatili
Sa silong ng bahay ng magsasaka.
Butil-butil, tila alaala ng alaalang pinapaalala
Na ang tunay na yaman
Ay hindi laging nasusukat
Sa presyo ng merkado.

Ang butil ay mahal sa mata ng tao,
Ngunit sa kamay ng lupa
Ay mura,
At ang mas masakit, kinabukasan o sa susunod na araw,
Ang nagtatanim ay biglang hahandusay sa lupang tinataniman,
Ngayon ang nagtatanim ay siya na ang itatanim.

HUSTISYA.

 

 

 

 

Lilini and other poems

Jamil Mabandis


poetry in Maguindanaon with Filipino translation by the author


Lilini

Gapangingilay ko seka
Kanu pageletan nu magabi endu tademan
Kanu kapedtana nu ulan-ulan
Endu kanu mga basa a di ku gauntul.

Kagkalendem ku seka sa uman oras.
Kanu kapi a pegkatenggaw kanu lamisan
Kanu sengal a pedsengalen ku
Endu kanu ulunan a pegkakepen sa kepedtulug ku.

Na mabaluy a masawt ka
Nu sambel na lilini ku.
Nyaku mapangeni na makatalus
Kanu bengawan nu pusung nengka.
a

Pagtangi

Hinahanap kita
Sa pagitan ng gabi at ng alaala
Sa tahimik na pamamahinga ng buwan
At sa mga salitang hindi ko masabi.

Naaalala kita sa bawat oras.
Sa kape na lumalamig sa lamesa
Sa mga kantang inaawit ko
At sa unan na yinayakap sa bawat pagtulog ko.

Kung sakaling maabot ka
Ng ihip ng hangin ng pagtangi na ito.
Hinihiling ko na sana’y patuluyin mo ito
Sa pintuan ng puso mo.

a

a

Duwa A Bitun

Linemudsu su magabi
Kanu mga lanitan
Nu duwa a bitun a bagu naaden.
Midsumbak. Mindulug. Nalili.

Sa ya nilan kinabpikit
Na ya ni mun kinasalindaw.
Salindaw a bagu
Sa mata nu madakel.

Sinemanday kanu kaudtatan nu igan
Inipanagup su dumbala a lima
Sabap sa katawan nu mga bitun
Na sa mata nu madakel
Na dusa su salindaw nilan.


Dalawang Bituin

Nag-umpisa ang gabi
Sa mga balat
Ng dalawang bituin.
Nagkasalubong. Nagkatabi. Nasiyahan.

At sa kanilang pagiging isa
Ay siya namang pagliwanag nila.
Liwanag na bago
Sa mata ng marami.

Sumanday sila sa dulo ng kama
Salo ng dalawang palad ang mukha
Dahil alam ng mga bituin
Na sa mata ng marami
Ay kasalanan ang kanilang liwanag.
a

aa

aa
Buludtu

Diyako den pakapangingata
Sa kanu gay
A mailay ku seka embalingan
Kanu galinyan nengka
A puyutan a buludtu
Lu kanu puyutan
A langun tanu na magigidsan.


Bahaghari

Hindi na ako makapaghintay pa
Sa araw
Na muli kang masilayan
Sa tinatangi mong
Duyan na kulay bahaghari
Duyan na kung saan
Lahat tayo ay pantay.

 

Pakawit

Jahara A. Solaiman

A Tupperware container flew
Several time zones in one day.
Escaped many an airport baggage scanner,
To my table made its way.

Bestowed by visiting kin,
Conjured by an aunt
As soon as the sun was in.
What more could I, far from home, want?

Misty eyes and emotions later,
Banana leaf parcels
Under the raised cover.
Longed-for delights weave their spells.

In my kitchen well-lit,
Emerald-colored lipet yield
Their bounty of kagikit.
Mounds of kuning, made with rice from Babu’s field.
Randang concocted from the softest meat,
Pyarun a bakas and a dollop of palapa to make it complete.

In seconds the fragrance of this largesse,
Had me dream of familiar shores, no less.
Of wood fires in simple homes and earthen floors,
And people going about their pastoral chores.
Kith and kin, even those I don’t fully know,
Inviting you, “bugur tano!”

And then it finally hits me: I have been away for years.
Will all this precious food understand my tears?

 

 

Di kagangu su kayu and other poems

Sandrah Maas Saudagal

poetry in Maguindanaon with Filipino translation by the author

Patugyal

Limu ako sa tegkuran a walay nami,
kagina aren kakineg ko a paguni.
Pakengel a benal—
Basi aren babal.

Is mambo!!!
Patugyal besen a pagulman.
Sublay karakel a laman nin.
Pegkwak kwak su ina.

Mindarakaw ako,
Marakel pon besen su pipis in.
Tuy manawat a patugyal.
Padtuyuk lu sa ina nin.

Umenggay a papegkanin sa nasama emay.
Kalipungit si ama umengka di papegkanin.
Ugera aren a gay—
Sinumbali su patugyal.

Inadobo ni ina—
Ugeyra di ko kalenyan,
ganina kat i nanam ko sa patugyal.
Diyako ren pegkan.

 

Pato

Pumunta ako sa likod ng aming bahay
dahil may naririnig akong ingay
Grabe, napaka-ingay—
Baka may baliw.

Hay naku!!!
Nangigitlog pala na pato
Napakaraming itlog
“Kwak kwak,” ang sabi ng nanay.

Naglakad-lakad ako,
Ang dami niya pa pa lang anak
Ang mga munting pato
ay sumusunod-sunod sa kanilang nanay.

Araw araw pinapakain ng tirang kanin
Nagagalit si itay kung ‘di pakakainin
Pero isang araw
kinatay ang pato.

Inadobo ni inay—
Ngunit hindi ko magustuhan
dahil naaawa ako
Ayoko nang kumain.

a

Di kagangu su kayu

Nagowgan ako sa modtu—
Ka dalu sa walay si ina.
Limu siyan sa palaw na niya nen kaped a si ama.
Saki bon natabun endo si ali ko.

Kimwa ku sa kayu,
lu sa padsuran.
Aren kayu lu—
Ugeyd a meylaw.

Nasakit minem su ginawa ko.
Kagina di kagangu su kayu.
Pusakagay paguyupan bu
Di pagkaleg su apoy.

Daren maluto su umay
Nalipunget den si ina.
Makasakit ged sa ginawa—
Nyaba e kanggula.


Hindi nagniningas ang panggatong

Nagsaing ako sa tanghali—
dahil wala si nanay sa bahay
Pumunta sila sa bundok kasama si itay
Kami lang ng kapatid ko ang naiwan.

Kumuha ako ng kahoy,
doon sa bakuran
May kahoy doon,
pero hilaw pa.

Nainis na naman ako
kasi hindi nagniningas ang kahoy
Kailangan pang hipan nang masinsinan
Hindi kasi nag-aapoy.

Hindi na naluto yung kanin
Nagalit na si nanay
Ang sakit sa damdamin
Ang mga ganitong pangyayari.a

a

Pedsawl kami

Gimaram den si ina.
Nagowgan sa magan mapita.
Malibuting pon.
Ugeyda penggaram den su mga taw.

Pedtog ako pon sa meton tu—
saki endo si ali ko.
Pinukaw kami ni ina.
Gagina pedsawl kami samaya.

Megkapi ako muna.
Kagina pakatowg ako pon.
Ugeyda si ina a kimwit den sa umay.
Keman kami ren kun.

Nakowma si tuwa—
Aren anggit en a seda.
Nawmanan su pedsara nami.
Ininggan bo nami sekanin a sapi.


Nagsasawl Kami

Gumising na si nanay.
Nagsaing sa madaling araw
Madilim pa,
Ngunit gising na ang mga tao

Tulog pa ako—
Ako, at ang kapatid Ko
Ginising kami ni nanay
Kase magsasasawl Kami.

Nagkape muna ako
dahil inaantok pa’ko
Pero si nanay, inihanda na ang kanin
Kumain na raw kami.

Biglang dumating si lola
May dala siyang isda
Nadagdagan ang aming ulam
Binigyan din namin siya ng baka.