sabay

Victor Reyes

“sabay ka?” “sa susunod na lang,
baka, ‘kay gulong-gulo ngayon
itong aking ulo; nagdadalawang
isip na kailangan pa ba? baka,
kaya naman na— o kakayanin ko,
mag-isa, baka, sa susunod
wala na, ako… kay tila may digmaan
na ‘di ko yata kayang
ipanalo— maingay, umuugong na tila
kuliglig na ayaw huminto sa paghuni sa
guni-guni, nambubulabog, pilit
kinukubkob ang bawat sulok, winawasak
ako, dinudurog ako at ang tahimik, dili
lang ko magsabay, baka ‘di nako
kaya, oras nyo’y maaksaya” “sakto
bai, sabay ka— kay di mo
na man kailangan solohin
ang alimpuyo ng lugmok, hayaan
mo’t mauubos din ang lumbay ng
dapit hapon— lumilipas din ang
mga dagok, maging hagupit ng
masamang kahapon ay nawawala, sama
ka na, tapok ta, pakawalan mo na bigat; ang
hirap; yakapin mo sana ang
pag-asa, tara, mapakikinggan ka, dumito
ka,” “sabay lang—buntong hininga, muna.”